Word Poetry Challenge #1 : Larawang Kupas

in #wordchallenge6 years ago (edited)

Itong aking tula ay hango sa aking karanasan, na kailangan iwan ang lugar at bahay na kinalakihan para sa ibang lugar ay makipagsapalaran.

bahay_kubo_reduced-1.jpg
Pinagmulan: http://myphilippinelife.com/

Larawang Kupas

Kay tagal ng aming paglisan
kailanman ay hindi ka malilimutan,
Ikaw ay parte ng aming karanasan
Lalo na sa aming kamusmusan.

Hanay ng dingding mong napakapino,
Sahig mong kay kinis tulad ng baso,
Bobong mong kumikislap na parang tanso,
Kahit ika’y bahay kubo, dito nagsimula mga pangarap ko.

Mga alaala na kay sarap balikan
Tawanan at iyakan ay iyong nasaksihan,
Itong mga matang nakatingin sayo’y nasasaktan
Ang larawang kupas mo ay tanging masisilayan.

Ika’y nakatindig at kay sarap puntahan,
Taong Lumipas ay hindi namalayan,
Alaala nalang sa kubo kung kinalakihan
Kaya Larawang Kupas ay aking iingatan.

Aking entry sa iyong patimpalak @jassennessaj
Likhang @tinkerrose

Sort:  

Napakasolidong gawa. Ako'y lubos na nagpapasalamat sa iyong paglahok, kabayan! Palarin ka sanang manalo.

Salamat sayo @jassennessaj. Kahit ano mang hatol ng hurado, ako'y masaya at nakalahok sa patimpalak mo.

Coin Marketplace

STEEM 0.30
TRX 0.11
JST 0.033
BTC 64320.07
ETH 3154.23
USDT 1.00
SBD 4.34