Word Poetry Challenge #6. Tema : "Aking Ina"

in #wordchallenge6 years ago (edited)

AKING INA
orihinal na likha ni
@tinkerrose


pinagmulan

Ikaw ang taong may paninindigan at may lakas ang loob,
Walang makakahigit sa pag- aaruga mong ipanagkaloob,
Iyong kaalaman ay kahanga hanga sa lahat ng bagay,
Isa kang dakila at isang gintong biyaya sa aming buhay.

Para siyang si titser, napakahinahon Kung magturo sa mga aralin.
Masusustansiya at masasarap ang mga nilulutong pagkain,
Naglalaba, namamalantsa, naghuhugas ng mga plato at iba pa.
Parang si wonderwoman walang kapaguran gabi at umaga.

Ang aking isipan ay punong puno ng iyong mga pangaral,
Salamat, sa iyong walang sawa at purong pagmamahal,
Isang butihing maybahay na aming pinakamamahal,
Ni kailanman, hindi narinig na ikaw ay pagod at nasasakal.

Pagdating ng araw, susuklian ko ang paghihirap mo ng buong puso,
Manunumpa hanggang sa pagtanda aalagan kita, yan ay pangako
Aking igagapang ang iyong mga pangangailangan, saan man ako patungo,
Ikaw ang dahilan, ako’y isinilang at nasulyapan, kung ano ang ganda ng mundo.


Ito ang aking likha sa iyong patimpalak @jassennessaj

Sort:  

Napakagandang tula. Damang dama ko ang emosyon sa bawat linya at salita :)

Coin Marketplace

STEEM 0.32
TRX 0.12
JST 0.033
BTC 64647.16
ETH 3160.49
USDT 1.00
SBD 4.13