"Word Poetry Challenge #5". Tema : "Watawat ng Pilipinas" | Tagalog Edition. Entry to Jassen's Contest.

in #wordchallenge6 years ago (edited)

philippines-31991_960_720.png

Pixabay

Ang watawat ng Pilipinas,
ay puro hirap ang dinanas.
Sa kamay ng mga hapon,
pinilas at saka itinapon.

Tatlong bituin, na kumakatawan,
sa LuzViMin. Ating paka tandaan.
Ang walong sinag ng araw sa'ting bandila,
walong lalawigan nagkaisa para pabagsakin ang mga kastila.

Ang watawat ng Pilipinas ay sumisimbolo ng ating bansa,
bansa na kung saan ang mga politiko ang nag-papakasasa.
Bandila na itinatag ng mga bayani, buong pusong lumaban,
dugo't pawis ang naging puhunan sa kasarinlang tayo ang ipinag-laban.

Sa nalalapit na araw ng kasarinlan, gunitain natin ang hirap ng ating mga bayani
Hindi man makalaban nang sabayan, ikaw parin ang nagsilbing haligi Apolinario Mabini.

Ang watawat ng Pilipinas ay dapat nating mahalin,
sapagkat hindi ito para sa kanila ito'y para sa atin.


#wordchallenge

Sort:  

If you donate 1 SBD or STEEM to @a-a-a I will resteem your last post to over 72,500 followers on my 2 accounts @a-a-a and @a-0-0

salamat sa pagsali master
yung nahiya ako maghurado dahil may alamat na nagsubmit ng entry
good luck po

Haha ikaw ang idol ko. Kaya lang medyo natatakot ako kapag nalilito ka baka masabi mo nanaman sa bisaya bwahhahaha.

ang tagal na nyan > di mo pa rin nalilimutan master. Markado na ako

Oo naman at dahil doon ikaw ang naging pangalawang idol ko. Si Jemzem una ikaw ang pangalawa hehe. Hindi lang naman sa'kin tumatak iyon pati na rin kay TP haha.

daming tawa mga sais
grabe yan si @jemzem. kala mo tatahitahimik may alam pa lang mabangis

Hindi kaya niya kaya. Maganda iyong storya sobra. Haha baka magalit iyan. Pero yung labanan dapat talaga tagalugin.

magmamarathon nga ako ng mga akda niya...Naiintriga ako ng husto :)

Coin Marketplace

STEEM 0.29
TRX 0.11
JST 0.033
BTC 63945.57
ETH 3135.76
USDT 1.00
SBD 4.00