Word Poetry Challenge #1 : Larawang Kupas

in #wordchallenge6 years ago


Ang buhay ay ating hindi hawak
Meron sa atin din ay wawasak
Bagamat ito man ay mangyari
Tiwala't tatag lang sa sarili.

Ang taong minsan mo ay kaligayahan
Kiniliti ang 'yong tagong katangahan.
Pero katangaha'y hindi mababatid
Animo'y parang may kulay ang paligid.

Pero 'wag magpadala sa ganyang kasiyahan
Dahil ang lubo'y nakakubli sa tupa, minsan.
Habang ika'y nasa tuktok ng iyong ligalig,
Dahan-dahan kang kinakagat sa iyong leeg.

Kahit anong sabi man ang kanilang gawin sa iyo,
Pagtapos ng araw, masusunod pa rin ang 'yong gusto.
Kaya nang masaktan ka ay labis ang iyong hinagpis
Sakit ay hindi mawari: sayang lang ang luha't pawis.

Hanggang kailan pa nga ba tayo mahihirapan?
May lunas kaya 'tong sakit sa puso't isipan?
Palagi na lang 'yan ang iyong nagiging tanong
Dalangin sa D'yos na sana'y sagot ay ibulong.

Darating din na kamalia'y matatanggap
Ang mga sugat dahil sa taong mapagpanggap.
Hindi man madali ang paghilom ng sugat
Muli ang araw sa buhay mo ay sisikat.

Sa mga mali tayo ay matuto
Kahapon ay 'di na mababago.
Magbalik-tanaw ay gawin bukas
Ang mga aral ng larawang kupas.


Ito po ay ang aking entry para sa patimpalak ni @jassennessaj. Salamat kabayan at gumawa ka ng ganitong aktibidad. Nawa'y marami pa ang mga lumahok nito at nagagalak pa ako na gagawa pa.


Photo Credits from above: Photo 1

Sort:  

Your Post Has Been Featured on @Resteemable!
Feature any Steemit post using resteemit.com!
How It Works:
1. Take Any Steemit URL
2. Erase https://
3. Type re
Get Featured Instantly & Featured Posts are voted every 2.4hrs
Join the Curation Team Here | Vote Resteemable for Witness

Napakasolidong gawa. Ako'y lubos na nagpapasalamat sa iyong paglahok, kabayan! Palarin ka sanang manalo.

This post has received a 0.28 % upvote from @drotto thanks to: @vinzie1.

This post has received a 0.43 % upvote from @speedvoter thanks to: @vinzie1.

How Cool!

You got a 1.92% upvote from @coolbot courtesy of @vinzie1!

Help us grow, delegate today!

This post has been upvoted by @nanobot with 11.1%!
You want higher upvotes?

Vote for my creator @isnochys as witness!

Did you know, that you can make some profit with your witness vote?
More profits? 100% Payout! Delegate some SteemPower to @nanobot: 1 SP, 5 SP, 10 SP, custom amount
You like to bet and win 20x your bid? Have a look at @gtw and this description!

Coin Marketplace

STEEM 0.27
TRX 0.11
JST 0.032
BTC 64579.45
ETH 3101.05
USDT 1.00
SBD 3.83