Word Poetry Challenge #2 : Huling Sayaw

in #wordchallenge6 years ago


Pinagmulan ng imahe


Nang makita kita sa unang beses,
Ako'y nabighani sa'yong ganda.
Presensya mo'y aking nais,
Gustong makasama ka hanggang sa pagtanda.

Bakit nga ba ako nakaramdam ng gan'to?
Kinikilig sa t'wing ika'y nandyan.
Mundo kong tahimik ay 'yong ginulo
Nasabi sa sarili, "Oo, hanggang sa huli, ika'y ipaglalaban"

'Pag dumarating ka, akala'y may stereo na dala.
Hanep! Puso ko ay iyong napapaindayug.
"Ito na ba'y pag-ibig?" habang may ngiting sa bibig nakapinta,
Sumasayaw na talaga ako sa dala mong tugtog.

Naiilang, nahihiya, pero nang naglaon naging magkaibigan,
"Naku! Ito na. Parang may pag-asa," sabi ko.
Mga mala-kendi mong ngiti sa akin, gusto ko nang tikman.
OMG, ako'y nahulog na talaga sa'yo.

Ating pagkakaibigan ay lumalim pa
Ang dating mga palagay, tila iyong napagpatunay.
"Handa na ba ako?" feeling ko ako si Korina.
Lutang ang sarili, sa ulap nakasakay.

Pero tila ang ulap ay biglang dumilim
Ika'y nagbago, tugtog mong dala di na ako makasabay.
Nagdasal sa D'yos, humiling ng taimtim
Puso kong tanga, di ko na alam sa'n ilalagay.

Akala ko iba ka.
Akala ko merong tayo.
Akala ko totoo lahat ng 'yong ipinadama.
Akala ko lang pala lahat ng ito.

Damdaming masaya, ngayo'y napalitan ng luha.
At ngayon ay sa ulan ako'y nakatampisaw.
Masakit man isipin, pero talagang ako'y nagpakatanga
Na sa una pa lang, sa sayaw nating dalawa, ako lang pala mag-isa.


Hindi man perpektong pagkagawa sa tula ko pero masaya na ako na kahit minsan dito ko pinaramdam ang aking mga hinanakit. At salamat kay @jassennessaj para sa ganitong patimpalak.

Sort:  

Congratulations! This post has been upvoted by the communal account, @steemph.cebu by vinzie1 being run at Teenvestors Cebu (Road to Financial Freedom Channel). This service is exclusive to Steemians following the Steemph.cebu trail at Steemauto. Thank you for following Steemph.cebu curation trail!

Don't forget to join Steem PH Discord Server, our Discord Server for Philippines.

Congratulations! This post has been upvoted from the communal account, @minnowsupport, by Smoochkins from the Minnow Support Project. It's a witness project run by aggroed, ausbitbank, teamsteem, theprophet0, someguy123, neoxian, followbtcnews, and netuoso. The goal is to help Steemit grow by supporting Minnows. Please find us at the Peace, Abundance, and Liberty Network (PALnet) Discord Channel. It's a completely public and open space to all members of the Steemit community who voluntarily choose to be there.

If you would like to delegate to the Minnow Support Project you can do so by clicking on the following links: 50SP, 100SP, 250SP, 500SP, 1000SP, 5000SP.
Be sure to leave at least 50SP undelegated on your account.

Ang sakit nun Habang may musikang pinapatugtog umaasa ka na may kasayaw pero sa huli wala pala .

Goodluck sa patimpalak grabe ang hirap nito,

Coin Marketplace

STEEM 0.26
TRX 0.11
JST 0.033
BTC 64678.67
ETH 3086.68
USDT 1.00
SBD 3.87