Word Poetry Challenge #5 : Watawat ng Pilipinas

Pinagmulan

Watawat ng Pilipinas

Pula, asul, puti at dilaw,
tatlong bituin at araw,
Sagisag ng kalayaan,
mula sa pananakop sa ating bayan.

Yaong pusong naghinagpis,
kaloobang mapagtiis,
sa pagkakalugmok ay babangon,
upang harapin yaong hamon.

Bagama't sa paningin nila,
tayo'y maliliit at mahina,
subalit di ito alintana,
ng pusong hangad ang paglaya.

Bahid ng mga dugong dumanak,
butil ng bawat luhang pumatak,
upang ika'y maipagtanggol,
mula sa mga manunukol.

Tawagin man tayong bayan ng maralita,
ang makita kang iwinawagayway ay ligaya,
salat man sa bagay at kapangyarihan,
ang kalayaan mo'y aming kayamanan.

Pagning-ning ng iyong mga bituin,
pagsikat ng iyong araw mula sa dilim,
mga buhay na inalay sa iyong paglaya,
sa iyong pagwagayway hatid ay pag-asa.

Hindi pahihintulutan ang sino mang aalipusta,
paglalapastangan ay nararapat ang parusa,
sapagka't kailan ma'y hindi na hahayaan pa,
ating inang bayang muling malugmok at magdusa.

Isang kapana-panabik na bagong edisyon ang sa muli'y binuksan ng ating kabayang si @jassennessaj. Sa pagkakataong ito ay patungkol naman sa "Watawat ng Pilipinas" ang ating tema. Kung kaya't sa muli ay narito ang aking akda bilang pakikibahagi sa patimpalak na ito. Sana ay nagustuhan mo kabayan! ^_^



Also, Please support our Curation Team @sawasdeethailand that aims to reward good quality Thai content creator.

Thank you to @hr1 for supporting our writings too.

Kindly continue supporting @surpassinggoogle who has been very helpful. Vote "Steemgigs" as witness by going to https://steemit.com/~witnesses

Sort:  

clap clap
Ang ganda kabayan
maraming salamat po sa pagsali

You have collected your daily Power Up! This post received an upvote worth of 0.37$.
Learn how to Power Up Smart here!

Coin Marketplace

STEEM 0.27
TRX 0.11
JST 0.032
BTC 64579.45
ETH 3101.05
USDT 1.00
SBD 3.83