Word Poetry Challenge #1: "Larawang Kupas"

in #wordchallenge6 years ago (edited)

20180509_111958_0001.png

Nakatago sa isang madilim na sulok
Unti-unting kinakain ng anay at alikabok
Naaagnas ng dahan-dahan at naging marupok
Naging panandaliang dapuan ng lamok


Sa isang tagpo ay isinabit sa isang tabi
Hindi mo makikita at wari'y walang silbi
Marahil maraming pagsusumamo ang masasabi
Kung nagkaroon lang ito ng mga labi


Alaala ng kahapon ang tangi nitong dala
Wala ng pakinabang sa karamihan ng madla
Tanging pako sa dingding ang nagdadala
Para sa konting pagsulyap ng nangungulila


Kung nagkaroon lamang ng kahalagahan
Maraming pwedeng maging paraan
Upang mapanatili ang ganda ng nakaraan
Na dala ng isang kupas na larawan


Hindi man lang binigyan ng pagkakataon
Na subukin ang kalabang oras at panahon
Nalampasan na sana ang mga hamon
Kung ang pagkupas ay nabigyan ng aksyon


Sino ba ang maysala; sino ang dapat sisihin
Sa larawang malapit ng tangayin ng hangin
Na isang sulok ay hindi binigyang pansin
Ang may-ari ba o ang mga nakatingin


Hindi mo maipagkakaila
Ang dala nitong mga alaala
Hindi pa ba tayo natututo o nadadala
Sa mga kayamanang unti-unting nawawala


Sana ay bigyan natin ng halaga
Kahit larawang para sa atin ay kupas na
Dahil dala nito ang kahapong wala na
Patungo sa bagong bukas at umaga


Ito ang aking opisyal na lahok sa patimpalak ni @jassennessaj.

Sort:  

Napakahusay ang paggawa. Maraming salamat sa paglahok, @ybanezkim26! Palarin ka sanang manalo.

Madali lang yan. Make me a winner. Hahaha.

Nindota bai uy:)

Huehue! Thank you, @jason04!

Naenjoy ko po basahin ang iyong tula. Panandaliang napunta ako sa isang luma't antigong bahay kung saan naroon ang kupas na larawan.

Coin Marketplace

STEEM 0.25
TRX 0.11
JST 0.032
BTC 61986.23
ETH 3026.15
USDT 1.00
SBD 3.75