The Diary Game Season 3 [05-28-2022] || Ang Aming Unang Pagkikita ni Ate @olivia08 Kasama si Wyndell 😇😊🥰 | 👉Joined #burnsteem25

in Steemit Philippines2 years ago

Isang Maligaya at Masaganang araw sa ating lahat!

Marami na namang pangyayari sa aking buhay sa Dios ko lang ipagpasalamat lalong lalo na ang walang saya Niyang pagbibigay sa aking ng lahat ng aking pangangailangan at ang higit sa lahat itong buhay na Kanyang ibinigay sa akin araw-araw.

Sa araw nga na ito, isa na namang masaya at hindi ko makakalimotang pangyayari sa aking buhay dahil sa kauna-unahang pagkakataon ay nagkita na rin kami ni Ate @olivia08, isang kaibigan na nakilala ko online sa pamamagitan ng Steemit platform.

20220528_220036.jpg

Bago ko ibahagi sa inyong lahat ang aming pagkikita, ibahagi ko muna sa inyo kung bakit naging special si ate @olivia08 sa aking buhay na bagamat nagkakilala lamang kami online.

Mga nasa limang taon na nga ang nakalipas magmula ng makilala ko si ate @olivia08 sa pamamagitan ng Steemit dahil isa siya sa nakilala kong Steemit user na napaka active talaga at laging nag co.comment sa akin hanggang sa ma add ko sa isang Group Chat sa Messenger na nandoon din siya sobalit dahil nga nangangapa pa lang ako sa Steemit, hanggang seen lang ako sa Group pero kapag meron talaga opportunity sa GC, grab ko talaga iyon at nakakatulong naman sa akin hanggang sa bigla na lang nag Chat sa akin personally si Ate @olivia08 dahil sa lagi niya akong nakikita sa GC pero wala man lang message.

Mag mula noon ay lagi na akong kinakamusta ni ate @olivia08 hanggang sa tinulongan niya ako kung paano mas maging maganda ang mga content ko at nag delegate sa akin para mag grow ang account, talagang napakabait niya talaga na para na talagang ina ko magpasa hanggang ngayon hindi talaga siya nagbabago.

Si ate @olivia08 din ang nag encourage sa akin na mag lead sa Steemit Philippines na kahit wala talaga akong ideas o experience paano magdala ng isang community ng isang blogging platform, pero salamat sa Dios dahil nakaya ko na naman na bagamat marami pa rin akong kakulangan, nagpapasalamat ako dahil sa tiwala ni ate sa akin. Hanggang ngayon sa kanya pa rin ako lumalapit para hingan ng ideas o mga encouragements to lead the community, grabe ang bait niya talaga. Hindi ko masabi by details.

Ngayon oras na upang ibahagi ang nangyaring meet up namin nitong araw na ito. Mga ilang araw ang nagdaan nabalitaan namin naka uwi na si ate @olivia08 dito sa Pilipinas galing Saudi at nasa niya na papunta siyang Iligan City dito sa Mindanao na kung saan galing Cagayan de Oro papunta Iligan ay madadaan lang Municipality na kung saan doon ako nakatira. Kung kaya, sinabihan namin si ate @olivia08 na kung pwede huminto muna sa amin para magkakita-kita kami kasama ko din c @jb123 na close din kay ate. Salamat sa Dios dahil pumayag si ate at gusto din niyang makipagkita sa amin.

Mga gabi pa lang bago siya makarating sa Cagayan de Oro ay naka contact na kami sa kanya para alam namin kung nasaan na siya hanggang sa kinabukasan dumating na din ang oras mga nasa oras na iyon na 9:30 ng umaga naghintay na kami ni @jb123 sa Bus Stop dahil doon kami magkikita ng madali. Grabe ang excitement sa amin ni @jb123 dahil sa unang pagkakataon ay makikita at makikilala na din namin si ate @olivia08.

Mga ilang bus din ang dumating pero wala pa si ate @olivia08 hanggang sa nag chat siya sa Group Chat namin na nasa Naawan na siya, ang Municipality na malapit lang sa amin dahil kasunod nito ay dito na sa amin, kaya nadagdagan ang excitement namin ni @jb123 at feel ko na ang saya kapag magkita na kami. Mga nasa oras na iyon 10:40 ng umaga sa wakas ay narito na ang bus na sinakyan ni ate olivia at nakita na din namin siya na pababa at sa personal na. Unang ginawa talaga namin ni @jb123 kay ate olivia ay nag mano sa kanya bilang pagpapakita ng respeto sa kanya.

Pagkadating din ni ate olivia ay hindi ko pinalagpas ang pagkakataon na makapag selfie sa kanya dahil nga unang pagkakataon namin itong magkita sa loob ng halos limang taon. Dahil din sa pagot si ate olivia sa byahe, pinagpahinga muna namin siya at nilimbre namin ni @jb123 sa isang karendria, kung hindi lang nagmamadali si ate olivia ay sana sa Yahong namin siya dinala pero kahit ito lang ang nabigay namin sa kanya, masaya naman siya dahil nakita niya na kami na tinutoring na din daw niya kaming mga anak.


Dahil nga sa medyo nagmamadali si ate Olivia, pagkatapos naming makakain ng pananghalian ay dinala namin siya agad sa lugar na kung saan maraming nagbibinta ng mga Bibingka, isa sa pinagmamalaking delicacy ng aming lungsod. At pagdating nga namin doon ay bumili din siya ng ilang mga Bibingka para pasalubong niya sa pupuntahan niya sa Iligan City. Doon nga din ay naaliw din si ate Olivia habang pinapanuod ang nagluluto ng Bibingka.

received_563588405392061~2.jpeg

Mga nasa oras na 11:50 na iyon ng umaga at malapit na ding mag 12:00 at kailangan naa din umalis ni ate Olivia dahil meron pang naghihintay sa kanya sa Iligan City kung kaya para sa panghuling pagkakataon ay nagpa picture kami ni @jb123 kay ate Olivia at salamat dahil mabait ang tendiro ng Bibingka dahil siya ang kumuha ng picture gamit ang bagong cellphone ni ate Olivia. Grabe ang saya talaga ang nangyari sa amin ngayon araw na ito.

IMG_20220528_113814_176~2.jpg

Ngayon dumating na din ang oras na aalis na si Ate @olivia08 at habang papunta kami ng Bus Stop saktong sakto din na meron dumaan na Jeep at noong pinara namin ay huminto naman ito at nakasakay si Ate Olivia. Maiklin man ang oras na kami ay nagkakitakita, hinding hindi naman namin ito makakalimotan dahil sa laki ng tulong na naibigay niya sa akin at pati na rin kay @jb123. Nagpapasalamat din kami sa Dios dahil nakarating si ate Olivia sa Iligan City ng ligtas at nagkita na din sila ng kanyang kaibigan doon.

Para sa Dios ang lahat nang Papuri at Pasasalamat!!! 😇🙏☝

25% of the payout of this post goes to @null account

Cc: @steemcurator01, @steemcurator02

Mabuhay ang Steemit Philippines Community

@LOLOY2020
Achievement Task 1 | Facebook | Twitter

Sort:  
 2 years ago 

Hahahajahaha and saya kp rin, do inaasahan lahat. Kahit sa online lamb tayo nagkita peeo ang pagkilala ko sa inyo ay totoo lalo na Nanay ang turing sa akin. Maraming salamat at hanggang sa oraa na ito dipa ako nagutom sa tanghalian natin

 2 years ago 

Oo nga ate, grabe ang saya..d pa rin nawala hanggang ngayon

 2 years ago 

hehe, natawa ako kasi nahihiya pa kayo nakikita ko na bulong bulongan kayo ni wyndel

 2 years ago 

Oo...hiya2x pa konti...🤣🤣🤣

 2 years ago 

Hahaha

 2 years ago 

Napakasayang araw kanina kuya kasama si nanay Deevi.😊😊

 2 years ago 

Oo del...unta ma usab na pud... 😊

 2 years ago 

May oras talaga para sa lahat ng bagay and that is one memorable day for the three of you guys. We may have individual differences yet we have learned many things because of this awesome platform. Happy for you guys! God bless!

 2 years ago 

Yes ate.. hopefully kita na tanan

 2 years ago 

op nag sister, sino baby mag akala za haba pagod ko sa biyahe, do biro akyat baba yong bag Jo from Saudi pa hehehe

 2 years ago 

aww ang saya saya naman... sana taung lahat magka meet up

 2 years ago 

Unta ate noh...

 2 years ago 

hopefully in God's time pas

 2 years ago 

Ang saya ng meet up!

 2 years ago 

Lingaw jud kaayo ate

 2 years ago 

Sayang kaayo wala ko kaapil sige nalang sa sunod nalang pud.

 2 years ago 

Lagi bro long...

 2 years ago 

Neeeext! kami naman! hehehe

 2 years ago 

Sana nga noh...heheheh...

 2 years ago 

Maligayang pagbabalik sa Pinas ate Deev, at wow galing nag meet up kayo. Ang saya naman.

 2 years ago 

oo saya! Unexpected tlaga

 2 years ago 

salamat neng

 2 years ago 

Ang saya niyo naman. nag-meet-up! Nice memory lane, guys.

Coin Marketplace

STEEM 0.23
TRX 0.12
JST 0.029
BTC 67964.89
ETH 3543.08
USDT 1.00
SBD 3.14