Litong Puso at Isip | A Filipino Poetry | (I Doubt If You Really Love Me)

in #art6 years ago (edited)

Litong Puso at Isip

(Mga Katanungang Nais Mahanap ang Sagot)

by @rejzons


Gusto kong sumigaw nang sumigaw ng napakalakas,
Lahat ng hinanakit sa dibdib ko'y nais sanang ilabas,
Pakiramdam ko'y tila wala na naman sa aking sarili,
O di kaya'y sadyang wala na yatang natitira pa para sa aking sarili?

Puso'y parang wala na yatang kasiguraduhan,
Nalilito na sa tunay nitong nakikita't nararamdaman,
Isip ko'y tila kung saan-saan na lamang napapadpad,
Sadya yatang napakataas na nang nalilipad.

Hindi ko alam kong ako'y dapat bang maging masaya na,
Kasi sa lahat ng naabot ko ngayon, tila pakiramdam ko'y merong kulang pa,
Hindi ko alam kung ano ang dapat na maging tanong,
Sino ba o ano lang naman kasi ang pwedeng maitanong.

Alam ko sa sarili kong hindi naman ako perpekto,
Malayo sa ibang tao na ang buhay ay tila kumpleto,
Alam kong meron akong mga pagkukulang at mali,
Pero hindi naman ako nagpapabaya, 'yon ba ay mali?

Ang hirap namang umintindi sa kasalukuyang sitwasyon,
Naiipit sa kung ano ba talaga ang tama o maling desisyon,
Nais kong gawin ang isang bagay kahit alam kong masakit,
Titiisin lahat kahit alam kong mahirap at magiging mapait.

Sana naman minsa'y maramdaman kong ako'y mahalaga,
Halagang hindi matutumbasan kahit ako'y mawala pa,
Ang pakiramdam na merong takot na sa buhay niya ako'y maglaho,
Di bale nang tuluyan basta't may pinanghahawakang pangako.


Thank you for visiting and reading the context ^_^

This is @rejzons, always reminding...

LIVE LIFE TO THE FULLEST. DON'T MISS EVERY OPPORTUNITY THAT WILL COME ON YOUR WAY !

'til next time ^_^ Best regards :) Happy Steeming!!!

Yours Truly,

by @rejzons

Sort:  

nice one bro.
I am new in this site Please give me vote and reply @ohimahathir

Coin Marketplace

STEEM 0.28
TRX 0.12
JST 0.033
BTC 70135.32
ETH 3789.12
USDT 1.00
SBD 3.77