Para Sayo Mahal Ko

in #busy6 years ago

oh pag-ibig bakit mo pa pinalasap,,,
ang tamis mo sa puso ko ay anong sarap...
oh anong ligaya sa akin ay pinadama,,,
sa piling ng irog ko't aking sininta...

sadya yatang tadhana ay mapagbiro,,,
sa akala kong pag-ibig ako ay nabigo...
puso ko'y nagdugo,parang langit ay bumagsak,,,
mga pangarap ko ay nawala...nawasak...

nakita mo ako sa gayung kalagayan,,,
ako'y iyong pinulot,inahon at tinulungan...
tinuruan mong muling magmahal,puso ko'y inalagaan,,,
hanggang sa iyo ito'y mahulog ng lubusan...

ngunit bakit ganoon?,,takot sa puso ay naroon,,,
na baka sa isang iglap maulit ang kahapon...
ito ba ay dahil sa may iba ka pang binibigyan ng iyong atensyon,,,
na sa puso minsan nagbibigay ng takot na emosyon...

pilit kong itinatago ang takot na nadarama,,,
pero kinakain ako nito sa aking pag-iisa...
takot sa puso ko'y pilit na nilalabanan ko,,,
ang pagmamahal mo ang kalasag ko dito...

sa pamamagitan ng sinulat kong ito,,,
nais kong ipahayag ang nais ko at gusto...
isip,puso at kaluluwa ko'y nagkasundo sundo dito sinta,,,
magsama na tayo at mamuhay na mag-isa habangbuhay tayong dalawa...(!_!)

IMG_20171204_005944.jpg

Coin Marketplace

STEEM 0.26
TRX 0.12
JST 0.031
BTC 61258.08
ETH 2873.80
USDT 1.00
SBD 3.56