Nang Minsang Ma-GGSS Ako

in #comedyopenmic6 years ago (edited)

Nangyari tong ikukuwento ko nung kasal ng aking kaibigan
May parte ako sa seremonya sa simbahan, napaisip ako, Uy! Chance ko na ma-make up-an!
Kaya umaga pa lang, gumising na ako't pumunta sa parlor
Alas dos pa ang seremonya pero bakit ba?
Ayokong magmukhang pinasabugan sa Pearl Harbor

Kasama ang dalawa ko pang tropa, naupo na kami sa silya
Tinitigan lang kami ni bakla, alam niya na ang gagawin niya
Hala, pahid dito, pahid doon. Suklay dito suklay doon
May pag spray pang nalalaman
Sabi ko kasi gusto ko yung kulut-kulutan

Nang matapos ang kanyang mga litanya
Ng kung ano'ng gavawin kapag ang make up ko'y humulas na
Lumarga na kaming magkakaibigan
Hindi kami pwedeng mahuli sa simbahan
FB_IMG_1526428891944.jpg

Habang kami'y lulan na ng taxi
Naisipan kong mag selfie
Hindi ako sanay picture-an ang sarili
Kaya pede na kahit anong anggulo
Wala eh.. GGsS. gandang ganda sa sarili

Ano pa nga ba'ng hinihintay ko, pinost ko na agad sa FB
Nilagyan ko pa ng caption: "Woke up like this."
O diba? Ambangis!
Di pa gaano nagtatagal, mga ilang sandali lang
Nagtrending ang larawan ko, ang likes hindi ko na mabilang
Joke lang. Siyamnapu't dalawa ang naaliw sa aking kagandahan
Pero alam ko namang natawa lang din talaga sila
Sa caption kong puro kalokohan

Pero hindi naman yun ang talagang kwento dito
Ang katatawanan ay nangyari ilang araw matapos ang kakengkoyan ko
Nagulat ako nang may nakita akong mensahe
Sa FB messenger ko
Hindi ko talaga inaasahan, grabe!

IMG_20180516_223719.jpg
Yung crush ko nung elementary!
Kinumusta ako.. wiiiiiiiiiii!
Hindi ako makapaniwala
Ilang ulit kong binasa nang binasa
Baka nagkakamali ako
Pero siya talaga yun. Totoong totoo

Dalawang oras ang lumipas bago ako nakasagot
Ayoko ring iparamdam na ang kilig ko'y abot abot
IMG_20180516_223802.jpg

Ayiiieee! Pinakita ko pa sa asawa ko
Sabi ko "kras ko to nung bata pa ako"
Binasa lang niya at balik sa DOTA
Likas lang talagang hindi siya seloso
Masyadong kampante ang loko

Balik ako sa telepono
Lalo akong hindi makapaniwala sa nabasa ko
Mapapasabi na ba ako ng "Di mo ako pinapansin noon, maglaway ka ngayon"
Hoy, wag kang assuming! sabi ng isang banda ng isip ko
Kumalma rin naman ako kahit papaano
IMG_20180516_223904.jpg

Waaaaa! Nalagot na!
Sabi ko "Wow! Bandista si kuya!"
At iniimbitahan niya ako!
Napaisip ako, totoo b pa ba talaga ito?
Pero naisip ko rin "Baka nakita niya ang FB ko!"

Nakatulugan ko na lang ang pag iisip
Hindi ko na siya kras ngayon
Di ko na rin maisip kung bakait ko siya gusto noon

Medyo may katagalan bagi siya sumagot sa tanong ko
Pero alam niyo ang totoo?
Na-networking-zoned ako
Nagsend sya ng video ng mga kasama niyang hinihikayat ako

Sana tinanong niya na lang agad kung open minded ba ako
Para alam kong magpi-pitch lang siya ng sales
Hindi yung may nalalaman pa siyamg kamusta kamusta
Tapos gagawin lang pala akong downline nya



Sa tuwing naaalala ko ito, natatawa pa rin talaga ako. Hahaha
Sana ay nalibang kayo sa pagka feelingera moment ko.


Thank you for visiting my blog!


I am @romeskie and I love you all!



2123526103.gif

Sort:  

English only entries please.

My apologies. Will post english entries next time.

HAHAAHAHAHA super bet ko to. Awesome writing skills -- kuhang kuha mo ko don. 😂 Funny din sya through out. Ayossss!

Hahaha.. ang funny talaga ng experience na yan. Lesson learned. Hindi lahat ng nangangamusta nagandahan sayo. May iba, nag iinvite lang ng mada-downline nila. Hahaha

Late comment, 2days ago ko pa to nabasa at naupvote :D
Tuwang tuwa ako dito sa kwento mo. Glad it got a bayanihan full vote. Panalo talaga yun punchline sa ending haha. Great job po.

Haha. Thanks @jazzhero. Natuwa rin po ako at maraming natuwa sa kakengkoyan ko. Hehe

Coin Marketplace

STEEM 0.30
TRX 0.12
JST 0.034
BTC 64231.88
ETH 3128.59
USDT 1.00
SBD 3.95