Tadhana | Panghuling Bahagi

in #fiction6 years ago (edited)
Ang nakaraan...

"May iba na ba? Hindi mo na ba ako mahal?"
Umiling si Melai. "Mahal na mahal kita Shawn. Alam mo yan. Pero..." Hindi maituloy ni Melai ang sasabihin.
"Pero ano, Melai?!" Napataas na mang bahagya ang boses ng binata.
"Kailangan ko lang maintindihan ang sarili ko." lumuluha na rin si Melai. Mabuti na lang at kakaunti pa lamang ang tao sa lugar na iyon.
"Kailangan ko ng space."

2018-06-10_07-44-31.jpg
Pinagkunan

"Pakiramdam ko required na ako mag online everytime. Feeling ko mortal na kasalanan kapag hindi kita natawagan o kapag hindi ko nasagot ang tawag mo. Hindi na nagiging natural. Akala ko kaya ko na magkalayo lang tayo. Pero parang mas nasasakal pa ata ako dahil sa layo natin sa isa't isa." sa wakas ay nasabi rin niya sa binata ang mga bumabagabag sa isip niya.

"Maiintindihan ko kung pag uwi mo sa Pinas ay may mahanap kang iba..." bahagya siyang natigilan sa sinabi. Iniisip noya pa lang na may iba na ang lalaki ay nadudurog na ang puso niya. "Mahal na mahal kita. Pero kailangan ko ito. Para kung pag balik ko at magkita ulit tayo, okay na ako. Alam ko na sa sarili ko kung ano talaga ang gusto ko." Buong tatag niyang sabi sa gitna ng mga hikbi at luha.

Tahimik lang si Shawn na nakatitig sa dalaga. Gusto niya itong yakapin pero pinigilan niya ang sarili. Siya mismo ay durog na durog ang puso. Hindi niya kayang magpatawa katulad ng ginagawa niya kapag may problema silang dalawa. Iba itong pinagdadaanan nila ngayon. Hindi kakayanin ng knock knock joke o pick up lines niya ang tindi ng sakit.

Tumingin ulit siya sa falls. Kinuyom ang kamay na may hawak ng kahon ng singsing. Ibinulsa niya ito at tahimik lamang nilang pinagmasdan ang pagbaba ng tubig galing sa talon.

Ang nalalabing mga araw ng bakasyon ni Shawn ay ginugol niya na lamang sa pamimili ng mga ipapasalubong sa mga kaibigan at kapatid. Sinamahan pa rin naman siya ni Melai na nagpupumilit na puntahan pa rin nila ang iba pang lugar sa tour. Pero wala na siyang ganang gumala.

Hinatid ni Melai sa airport ang binata. Bago umalis ay minsan pang niyakap ng binata ang dating kasintahan. Hinagkan niya ito sa noo. Mahigpit ang yakap nila sa isa't isa. Walang gustong kumawala. Muli ay tumulo na naman ang mga luhang kanina pang pinipigilan ni Melai. "Mahal na mahal kita Melai. Hindi ko alam kung gaano kahabang panahon amg kailangan mo. Pero hihintayin kita sa abot ng makakaya ko." bulong Shawn at humalik ulit sa noo. Nang bumitaw si Shawn ay walang lingon likod na umalis. Natatakot siya na baka kapag lumingon siya ay hindi niya na kayaning umalis pa.

Matagal nang nakaalis ang eroplanong sinakyan ni Shawn pauwi pero hindi panrin siya umaalis sa airport. Iniisip pa rin niya kung tama nga ba ang desisyong ginawa niya. Bahala na...

Pagkalipas ng limang taon...

Nagulat si Shawn nang minsang pag uwi niya ay nasa bahay niya ang mga tropang Ian, Oca at Dean. Malaking tulong ang tatlong ito sa pagmu-move on niya noong umuwi siyang durog ang puso galing sa Laos.

"Happy birthday tol!" bati ni Oca habang hawak ang dalawang bote ng beer. Sa Linggo pa naman ang kaarawan ko ah!" tinanggap ni Shawn ang basong inabot ni Dean na may lamang alak. "Oo. Mas maganda nang masimulan nang maaga ang selebrasyon!" tatawa tawang sagot nito.

"Tama! At sa mismong araw ng birthday mo, magpupunta tayo sa kung saan masarap ang 'beer' na isineserve nila!" may kapilyuhang sang ayon ni Ian.

"Naku, tumigil kayong tatlo. May pasok ako ng araw na iyon kaya dito lang ako sa bahay."

"Sus! pasigaw ni Oca. "Ang sabihin mo, hinihintay mo baka dumating si Melai your love so sweet!" kantiyaw pa nito. Napailing na lang siya.

Alam naman ng mga kaibigan na dodoon lang siya sa parang para magmuni muni. Naging gawain na niya ito mula noong maghiwalay sila ni Melai. Kamusta na kaya siya? Napabuntong hininga na lang siya. Hindi na siya umaasa. Napapagod na rin naman siyang maghintay. Bahala na. Kung magiging matandang binata siya ay ayos na lang din naman. Sayang, hindi ko man lang maipakakalat ang magandang lahi namin. minsan ay binobola na lang din niya ang sarili.

Nahirapan din siyang iwaksi ang sakit na dinulot ng pag-hindi ng dating kasintahan sa proposal niya. Akala niya talaga ay may forever na sa kanilang dalawa. Pero ngayon ay masasabi niyang okey na siya. Hindi niya alam kung kaya niya na ulit buksan ang kanyang puso. Wala pa rin namang babaeng dumarating para magpatibok ulit nito. Marahil ay nasanay na lang siya sa sakit. Siguro ay napagod na lang din ang mata niya kaluluha. Kalalaki niyang tao, nakakatulugan niya ang pag iyak. Naisip niya, kay sagwa rin pala. Nakaipon na rin naman siya at nakapundar ng sariling bahay. At iyon nga ang madalas mapiling pag-tambayan ng mga kaibigan niya palibhasa'y siya lang mag isa ang nandoon.
"Hindi mo ba alam ang latest, my friend?" tanong ni Dean. Siniko ito ni Oca at tiningnan naman ni Ian ng masama. "Bakit? May karapatan siyang malaman!"

"Ano ba iyon?" tanong ni Shawn habang isinasawsaw ang chicharong bulaklak sa sukang puti na may sili at bawang.

"Umuwi na ng Pinas si Melai. Nung isamg buwan pa." tinatantiya pa ni Ian ang reaksiyon niya.

Itinago niya ang pagkabigla. Hindi niya na sinilip ang profile ng dalaga mula nang magpasya siyang mag-move on. Ayaw pa rin naman niyang silipin dahil natatakot siya sa maaari niyang makita. Baka may bago na itong nobyo. O kaya naman ay may asawa't anak na. Hanggang sa matapos silang mag inuman ay naglalaro pa tin iyon sa kanyang isipan. Nlungkot siya dahil nakabalik na pala ito ay hindi man lang magsabi sa kanya. Siguro nga ay tama lang na kalimutan ko na siya.

Walang selebrasyon na ginanap nang mismong kaarawan niya. Mas pinili niyang magmuni muni na lang sa parang. Pagkagaling niya sa trabaho ay doon na siya dumeretso. Hinintay niya lang na lumubog ang araw bago siya umuwi. Sinubukan niyang kunan ng litrato ang sunset at naisip niyang yun na lang ang i-post ng araw na iyon.

Salamat sa isa na namang taon na puno ng biyaya. pagkalagay ng caption ay pinost niya na ang larawan sa internet. Nagulat siya sa notification ni ginabot. Nag comment si Melai! "Gumagaling ka nang kumuha ng larawan. ;) May pa-wink pa si mayora, sa isip isip ni Shawn. Naisipan niyang silipin ang profile ng dating nobya.

images (19).jpeg
pinagkunan
Nagulat siya sa unang larawan na nakita niya. Larawan ito ng singsing na dala niya noon sa Kuang Si falls! Pero suot suot na ito. Ang kamay na iyon ay sobrang pamilyar sa kanya dahil matagal niya rin pinangarap na mahawakang muli ang mga ito. Pag scroll down pa ni Shawn ay nakita niya ang parang na lagi niyang tinatambayan. Nakita niya ang sarili habang nakaupo sa damuhan at pinagmamasdan ang paglubog ng araw sa larawan na iyon.

"Sana ay hindi pa huli ang lahat..." Iyon ang pamagat ng post na iyon ni Melai. Kay tagal niyang hinintay ang sagot ng dalaga. Limang taon! Pinindot niya ang mouse.

Upvote

At dumaloy ang luha sa kanyang mga mata. Pero ngayon ang mga ito ay luha ng kaligayahan.


WAKAS


Sana ay inyong nagustuhan ang aking mini-nobela. :-)

Ang orihinal kathang ito ay hango sa imahinasyon ng may akda. Ang mga pangalan, pangyayari, lugar, at kung ano mang laman ng kwento ay maaaring ihinango sa mga inspirasyon ngunit hinaluan ng aking mapaglarong isip.

Maaari niyong basahin ang mga naunang bahagi ng 3-part mini nobela na ito sa mga sumusunod na link:

Tadhana | Unang Bahagi

Tadhana | Ikalawang Bahagi


Maraming salamat sa pagbabasa!



2123526103.gif

Sort:  

Yeeeeeee! Bet ko na bet ko ang ending na ito, mam @romeskie! 😍😍😍
Kinilig ako sa ending nila. Nyahahahaha. Ini-imagine ko kaso na totoo 'yong mga nangyari e. 😂
Buti na lang talaga at team forever ka. ❤

Hahaha. Ako naman, natutuwa kasi may natapos na akong mini nobela. Sana ikatuwa ng mga ibinida ko jan ang kwento. Hahaha. Pati na rin yung may special participation. Hahaha

Jajajaja ngayon ko lang to nabasa @romeskie. LOL. Grabe ang kathang isip nito ohhh! Paganda muna ako or mag mukhang tao muna ako bago ako pupunta sa cantonan I mean sa restaurant. LOL. Ang busy ko talaga grabe, today isang oras lang pahinga ko mula 4AM at ang isang oras na yun ay ginamit ko pa sa ULOG at photo contest. LOL.

Coin Marketplace

STEEM 0.29
TRX 0.12
JST 0.033
BTC 62934.09
ETH 3118.65
USDT 1.00
SBD 3.85