MY FILIPINO POETRY: "KAIBIGAN"

hello guys! good evening to all steemians out there.. hows your day guys? me? my day was really great! hope yours too.. by the way guys , i want to share to my filipino poetry entitled KAIBIGAN .. this is about of friendship .. please take time to read .. god bless and thank you soo much!

"Kaibigan."

Sila yung mga taong Kasama mo sa kalokohan,
Sila yung mga taong karamay mo sa kopyahan,
Mga taong mangangako sayong Walang iwanan,
Mangangakong sa lahat ng problema ikaw ay kanilang dadamayan.

Kulog at kidlat,
Mga matang mulat,
Nakatitig sa lahat,
Mga taong akala mo tapat.

Hindi ko inasahan,
Na sa mga panahong kailangan ko ng Sandalan,
Ako ay inyong makakalimutan,
Kayo , Kayo na akala ko Hindi ako iiwan ang unang lumisan.

Ang mga taong Nagsabi Sayong 'Nandito lang kami para sayo'
Ay s'yang mga taong unang lumayo,
Lumayo noong mga panahong kailangan mo ng Makikinig sayo,
Mga panahong Wala kang ibang maiyakan kundi ang sarili mo.

Ang mga taong kasama mo noon,
Katawanan, Kakulitan at kasabay sa pag-uwi tuwing hapon,
Mga taong inakala mong Lalaban para sayo,
Mga taong inakala mong pamilya ang Turing sayo.

Ngunit Pagdating ng ulan,
Isa-isa silang nagsi-alisan,
Animo'y hindi ka nila kaibagan,
Umalis sila at iniwan kang mag-isang lumalaban.

Kaya sana mag-ingat kayo,
Kasi hindi lahat ng kaibagan na tinatawag mo Masasabi mong totoo,
Hindi lahat ng Kaibigan mo ay kaibigan mo hanggang dulo,
Hindi lahat ng kaibigan na tinatawag mo sasamahan ka pagdating ng bagyo.

Kaya dun sa mga dating kaibigan ko,
Salamat at naging parte kayo ng buhay ko,
Hindi ako nagsisi na nakilala ko kayo,
Dahil Naging masaya ako nung nakasama ko kayo.

Pero sana hindi ko iniwan yung mga kaibigan kong totoo,
Hindi ko sana sila Iniwan para lang sumama sainyo,
Siguro nga Tanga ako dahil Lumisan ako,
Lumisan ako at Iniwan ko yung mga taong totoo para lang sainyong iniwan lang ako.

37290281_277652806329159_2362662931163774976_n.jpg

thanks for reading.. :)

Coin Marketplace

STEEM 0.27
TRX 0.13
JST 0.032
BTC 61994.03
ETH 2917.97
USDT 1.00
SBD 3.62