"Bawal bang Umibig ? ", A Filipino Poetry

in #filipino-poetry6 years ago

"Bawal bang Umibig ? "

Lahat ng sakripisyo ginawa na
Ngunit ang mahalin ako, 'di magawa
Ako ba sayo'y 'di karapatdapat ?
Lahat nauwi lang sa pasasalamat

Pagmamahal ba sayo'y wala na
Hindi na ba pwede talaga
Wala na bang natitirang pag-asa
Ligaya'y pansamantala lang pala

Saan ako nagkulang sinta ?
O di kaya'y pagmamahal sumobra
Sana sinabi mo na nung umpisa
Nang wala kang taong pinapaasa

Bawal bang umibig o bawal na ako ?
'Di ko masisi kung ito ang hatol ng mundo
Isa lang naman ang gusto, na tanggapin ako
'Di na rin magmamahal kung 'di rin man sa'yo

Sa susunod na naman mga ka Steemian.Sana'y na gustuhan ninyo ang gawa ko. Maraming Salamat !
Photocredits 1 2

Sort:  

Ang lungkot po ng akda, pero ang etong linyang ito ang pinakamasakit :(

Bawal bang umibig o bawal na ako ?

Imbitihan ko na din po kayo na makigulo at makihugot sa mga kapwa manunulat sa wikang Filipino. Sali po kayo sa aming "discord channel": https://discord.gg/DjrySR5. Kung iyong nais maari nyo rin po gamiting ang #tagalogtrail na "tag" sa mga akdang Filipino.

hahaha hugot talaga eh .. gumigising talaga akong may pangamba ..

sige sali ako visit ako later hehe salamat sa imbitasyon

Naku! bawal nga ba? hehehe salamat sa iyong tula @carpieeew

bawal talaga pero sinubok pa rin hehe

Congratulations! This post has been upvoted by the communal account, @steemph.cebu by carpieeew being run at Teenvestors Cebu (Road to Financial Freedom Channel). This service is exclusive to Steemians following the Steemph.cebu trail at Steemauto. Thank you for following Steemph.cebu curation trail!

Don't forget to join Steem PH Discord Server, our Discord Server for Philippines.

Coin Marketplace

STEEM 0.24
TRX 0.12
JST 0.030
BTC 69726.58
ETH 3619.25
USDT 1.00
SBD 3.21