"Sobra Kong Swerte", A Filipino Poetry

in #filipino-poetry6 years ago

"Sobra Kong Swerte"

No'ng nagsisimula palang tayo
Lubos na aking pasasalamat sa'yo
Dahil tinitingala lang kita noon sa malayo
Ngayon tayo'y iisa na ang mundo

Araw-araw nagpapasalamat
Dahil ako iyong pinili sa lahat
Sobra ang ligayang nadarama't
Ika'y dumating sa aking tapat

Swerte man sabihan nila dahil ikaw
Sa akin swerte ako't naging akin ka
Nagtatago man tayo sa kanila
Alam mo namang bawal di'ba ?

Lahat ginagawa ng patago
Maging sa pamilya relasyon ay sekreto
Swerte ko di'ba na kaya mong ipagpatuloy
Sa kabila ng mapanghusgang mundong ito

Sa susunod na naman mga ka Steemian.Sana'y na gustuhan ninyo ang gawa ko. Maraming Salamat !
Photocredits 12

Coin Marketplace

STEEM 0.28
TRX 0.12
JST 0.032
BTC 66439.14
ETH 3005.38
USDT 1.00
SBD 3.68