Unspoken Rule: Sa Relasyong Walang Kasiguraduhan, 'Wag kang Magpakatanga

in #filipino-poetry6 years ago (edited)


Unspoken Rule #1 :

"Sa Relasyong Walang Kasiguraduhan, 'Wag kang Magpakatanga"



Ang buong akala ko, nakalimutan ko na,
Mga panahong masaya ako kapag kapiling ka.
Mga panahong malungkot ako't nandyan ka.
Mga panahong 'di natin alintana kung anong oras na,
Pagkat ikaw ang kasama ko, sapat na.
Ngunit sa bawat pagbalik, kirot ang aking nararamdaman.
Kirot - dahil nandito pa, sariwa pa sa aking gunita,
Ang mga pangyayaring hindi ko akalain sa akin mag-aalipusta.

Bakit - isa sa mga katanungang nais kong iyong masagutan,
Upang dito, dito sa kaloob-looban ko'y magtahan.
Bakit, bakit kailangang ilihim ko ang panliligaw sayo?
Bakit sa tuwing magkikita tayo'y magtatago?
Bakit hindi ngayon at kailangan pang maghintay ng tamang panahon?
Bakit kailangang may sumpaan, na sa kahuli-hulian ikaw ang mang-iiwan?
Bakit sa iba ko pa malalaman na meron ka nang ibang pinagkakaabalahan?
Bakit pilit mo itong tinatago kahit alam mong alam ko na?
Bakit... mahirap ba akong mahalin, mahirap bang sabihin ang totoo sa akin?
Bakit?

Sa bawat pagtago mo no'n ng katotohanan,
Pilit ko ring tinatago ang aking mga katanungan.
Gabi - gabi ako'y iyong tinatawagan, humihingi ng kapatawaran
Saan, saan ka humihingi ng kapatawaran?
Sa ako - na masaya at fall na fall sa iyo na walang kaalam-alam
O sa isang ako na pilit nagpapakasaya sa kabila ng katotohanang nalalaman.
Ako'y nalalaboan kung talaga bang taos-puso o nagi-guilty ka lang.
Bakit pa ba mag-sosorry kung pwede namang diretsahang sabihin.
Bakit pa ba mag-aalinlangan, eh nandyan na't salita mo na lang ang kulang.
Ginagawa mong mahirap ang sitwasyon, binibigyan mo ako ng altapresyon.

Ano ba! Sabihin mo na upang sa maaga'y ititigil ko na.
Ititigil ko na ang aking pag-iilusyong may pag-asa pa,
Pag-asang magiging tayo - na masayang nagku-kwentohan at nagtatawanan.
Ba't ka nagpapa-asa?
Dahil ba ako'y marupok at madaling madala sa konting pag-asa
O dahil ba sa pangkalahatan nito'y ginawa mo lang akong reserba.
Ayaw kong maging ekstra sa romantiko mong pelikula.
Na sa pagtatapos ng kwento ako ang maituturing talo.
Tigilan mo na ito dahil sobrang sakit na, sobrang sakit dito sa puso ko.

Naghintay ako - Oo, naghintay ako.
Naghintay na ako'y kausapin at masabihan mo kung ano ang totoo.
Ang totoo, ang buong katotohanang pilit mong tinatago.
Na sa kabila ng lahat ako lang ang iyong niloko.
'Di akalain ang pinakahihintay ko'y nangyari na rin,
Tinawagan mo ako't humihikbi, dahil natatakot ka
Natatakot kang magbago ang aking pagtingin.
Magkahalong kaba kahit na alam ko kung ano ang sasabihin.
Unang bigkas mo pa lang ng mga salitang ako'y nabibingi na,
Luha'y biglang dumaloy at walang kapagurang tumatakbo sa aking mukha.
"Sorry" at napakahabang buntong hininga'y aking narinig sa linya.
Ngunit ika'y nag-atubili at muli pinahaba mo ang aking pagdurusa.

Mula sa nakakabinging katahimikan sa kabila'y
Narinig ko muli ang iyong pagsasalitang pinutol ang mga sablay.
Ngunit iba ang mga salitang iyong inihatid.
Ikaw ang nagtanong patungkol sa mga bagay na aking nababatid.
Nagbago ang ihip ng ating pag-uusap,
At sinabi mong alam ko na ang mga bagay na iyong sasabihin.
Ngunit nagpilit at kahit na-uutal sa pagbuo ng aking pangungusap,
"Nais ko sa iyo mismo ito manggagaling upang sakit madaling alisin."
At dinig ko ang malakas mong hagulgol at salitang pagpapatawad.
Doon ko napagtanto, nawala na ang pagmamahal na nais kong iparanas sayo.
Pinili mo ang sa kanya at hindi ang pagmamahal ko.

Bigla - bigla sa katahimikan ako'y napangiti't napatawa,
Ang tanga ko sobra, dahil sa pinanghahawakan kong pagsumpa
Pagsumpa na tayo - tayo sa huli ang magmamahalan.
Ang tanga ko sobra, dahil hinintay ko pang ikaw ang tatapos
Tatapos sa pusong bukas sa pag-asa ng salitang pagmamahal.
Ang tanga ko sobra, dahil umasang meron pa ba.
Ang sobra, sobrang tanga ko talaga, dahil naniwala pa,
Naniwalang ikaw at ako ay maaaring maging tayo.
Sa relasyong walang kasiguraduhan, 'wag kang magpakatanga.


Sana ay nagustuhan niyo ang nailathalang tula .
Subaybayan niyo pa po ang iba kong ilalathala dito lang sa aking blog.
Maraming Salamat Po!

Previous Filipino Poetry

Puso Kong Magulo


Image Taken from Unsplash

follow-upvote.gif

signing out 😊

Sort:  

Congratulations @deejee! You have completed some achievement on Steemit and have been rewarded with new badge(s) :

Award for the number of upvotes

Click on any badge to view your own Board of Honor on SteemitBoard.
For more information about SteemitBoard, click here

If you no longer want to receive notifications, reply to this comment with the word STOP

Upvote this notification to help all Steemit users. Learn why here!

Congratulations @deejee! You have completed some achievement on Steemit and have been rewarded with new badge(s) :

Award for the number of upvotes

Click on any badge to view your own Board of Honor on SteemitBoard.
For more information about SteemitBoard, click here

If you no longer want to receive notifications, reply to this comment with the word STOP

Upvote this notification to help all Steemit users. Learn why here!

Coin Marketplace

STEEM 0.27
TRX 0.12
JST 0.032
BTC 61769.55
ETH 2910.04
USDT 1.00
SBD 3.64