Filipino Poetry : "Hiling"

dark-2024127_1280.png
Pixabay

Hiling
ni jennybeans


Ako'y tumingala
Maliwanag na buwan ang nakita
Napapaligiran ng bituing kumikislap sa ganda
Habang nakaupo sa lilim ng punong mangga

Nagmumuni-muni sa lalim ng gabi
Kinakausap ang sarili't kinukumbinsi
Pilit na ngiti ang ipinipinta sa aking labi
Pero kalungkutan ang sa puso ko'y namumutawi

Ingay ng mga kulisap lang ang napapakinggan
Sa gabing nababalot ng katahimikan
Di tuloy maiwasang umiyak sa kinalalagyan
Inaalala ang mga kahapong nagdaan

Ako ay biglang napatayo
Isang bulalakaw ang nakita mula sa malayo
At ako ay hihiling muli nang patago
Hindi para sa atin kundi para sa inyo

Sana'y lumigaya ka na nang tuluyan
Sana siya na nga ang sagot sayong mga kahilingan
Sana'y mahalin ka niya at po-protektahan
At kahit mahirap, pag-iibigan niyo ay susuportahan

Pero kung dumating man ang panahon na magkasiraan
Ikaw ay lolokohin niya't pahihirapan
Lumingon ka lang at meron kang babalikan
Ako'y bukas-palad na maghihintay, asahan mo yan.



U5dryacLKKpig2tysTaHYTxGFQtFrwZ_1680x8400.png

jennybeans.gif



Maraming Salamat sa Pagbisita

Coin Marketplace

STEEM 0.29
TRX 0.12
JST 0.033
BTC 62934.09
ETH 3118.65
USDT 1.00
SBD 3.85