Ako ay Ikaw, Pero Ikaw ay Hindi Ako.

in #filipino-poetry6 years ago

image
image from google


"AKO AY IKAW , PERO IKAW AY HINDI AKO."

Nagsimula kang mabuo
Ng ako ay tuluyang balutin at lamunin ng parte mo
Nung una'y andun yung pakiramdam na "OKAY AKO" dahil ikaw ang nagsisilbing MASKARA ko sa mga taong nasa paligid ko.
Pero sa bawat araw na pagpapanggap na IKAW ay AKO.
Unti-Unti mong pinaglalaho ang dating AKO.

Hanggang kailan ngaba ako magtatago sa imaheng ,dahil sa lungkot ay nabuo.
Imaheng salungat sa tunay na nararamdam at sa tunay na AKO.?

Hanggang kailan ako magtatago at aasa sa nakangiting maskara mo?
Habang ang tunay na ako ay nasa madilim na parte na kung saan akala ko ay ligtas ako.
Akala ko,

Gustuhin ko mang ipakita ang totoo.
Pero paano ako makakawala sayo,
Kung sa bawat araw sila'y napapaniwala sa pagpapanggap mo.
Nasa bawat pagngiti mo ay pag iyak ko at
Sa bawat halakhak mo ay paghagulhol ko.

Nasa bawat kislap ng mga mata mo , ay dahil sa mga luhang nagkukubli sa mga mata ng tunay na ako .

Hanggang kailan nila hindi mapapansing
AKO ay IKAW ,pero IKAW ay hindi AKO.

Nagmamahal,
@josh26

DQmWpisRXDF56mV3DgzzPUxb3R2ozseR48YVr2YKtwtrBcV.gif

image

Sort:  

Congratulations! This post has been upvoted from the communal account, @minnowsupport, by josh26 from the Minnow Support Project. It's a witness project run by aggroed, ausbitbank, teamsteem, theprophet0, someguy123, neoxian, followbtcnews, and netuoso. The goal is to help Steemit grow by supporting Minnows. Please find us at the Peace, Abundance, and Liberty Network (PALnet) Discord Channel. It's a completely public and open space to all members of the Steemit community who voluntarily choose to be there.

If you would like to delegate to the Minnow Support Project you can do so by clicking on the following links: 50SP, 100SP, 250SP, 500SP, 1000SP, 5000SP.
Be sure to leave at least 50SP undelegated on your account.

Coin Marketplace

STEEM 0.30
TRX 0.12
JST 0.033
BTC 64386.10
ETH 3142.17
USDT 1.00
SBD 3.98