#Poetry 04: Muli - Poetry-trail

in #filipino-poetry6 years ago (edited)

Nangako na ako'y magsusulat muli
Kapag nakita na ang binatang magpapatibok nitong puso
Na mamahaling ko hanggang sa huli
Sapagkat alam ko na maaaring mayroong ikaw at ako.

Nangako na ako'y muling magmamahal
Hindi mawawalan nga pag-asa kailanman
Kahit man na kinakabahan at mautal-utal
Alam ng puso't isipan, di ka na pakakawalan.

Muling naging makabuluhan ang aking buhay
Nagpinta ng mga ngiting walang 'sing tamis
Binigyan ng saya at mga ngiti at kulay
Itong puso kong ikaw lamang ang nais.

Matapang ka at sa lahat ng oras ay palaban
Ako'y maniniwala sa ating pangako sa isa't isa
Hiling ko sana'y di na magtapos pa ang ating pag-iibigan
Na nagsimula sa kulitan at tawanan- ako'y aasa.

Image source

Please follow and support our very own @surpassinggoogle, @teardrops and also @purepinay. Vote @steemgigs as your witness! Thank you all so much! 😊

Sort:  

kay romatiko ang iyong tula.mahusay ipag patuloy ang nasimula, e promote ang ating sariling wika tagalog, pilipino.

Coin Marketplace

STEEM 0.29
TRX 0.12
JST 0.033
BTC 62937.86
ETH 3092.40
USDT 1.00
SBD 3.87