MGA NGITI : ISANG TULA

image
Photo Credit

Ngiting namumuo sa aking labi,
Ito'y labis na kasiyahang di ko mawari,
Nag-uumapaw at hindi kusang maitanggi.

Mga ngiting di ko maalis-alis sa mukha,
Mukha mong mala anghel kung maituturing.
Kislap ng iyong mga mata, mala diyamenteng kung sa gabi'y nagniningning.

Mga titig ng iyong mga mata na kay lagkit, na tila ba'y nagsasabi,
At nagpapahiwatig na ika'y tingnan.
Kinaway mo ang iyong mga kama'y na walang pagaalinlangan.
Ako'y binati na para bang isang matalik na kaibigan.

Maikli man ang panahon o sabihin nating ito'y saglit lang,
Ito'y bugkos na aking babaunin hanggang sa muli.
Ngiting di maikumpara, sa puso't isip ay hinding hindi mawawala,
Ipanatag ang aking puso at ipapahayag nalang ito sa huli.

Coin Marketplace

STEEM 0.28
TRX 0.13
JST 0.032
BTC 60385.11
ETH 2889.75
USDT 1.00
SBD 3.65