UMALIS at NAGBALIK : Isang Tula

Heartbroken.png
Photo Credit

Ganito,
Ganyan,
Gawin mo!
Paulit-ulit na lang, nakasasawa.
Pare-pareho lang naman!
Doon din naman ang patungo,
Nakapapagod na
Pwede bang magpahinga muna?
Pakiramdam ko at higit sa lahat kailangan ko munang
Huminto ngunit ayaw nang balikan pa!
Ako'y hihinga
Magpapakalma
Pag-iisipan ko na lang muna,
kung dapat pa bang
balikan at
ipagpatuloy pa!
Matagal-tagal din, bago ako nakabalik
Ayaw kong manisi ng iba kung bakit ganito...
bakit ako nanahimik?
Alam ko marahil na ang panahong nagdaan,
Sapat na upang pagkasuya ay maibsan.
Ang pahina ngayo'y muling nagbabalik.
Sa mga tagasubaybay ko, salamat sa pagtangkilik.
Lumisan man saglit, ngunit ako ngayo'y muling nagbabalik.

Long time no post! Hi Ate @purepinay :)

Sort:  

Congratulations @mannylumanao! You received a personal award!

Happy Birthday! - You are on the Steem blockchain for 2 years!

You can view your badges on your Steem Board and compare to others on the Steem Ranking

Do not miss the last post from @steemitboard:

Use your witness votes and get the Community Badge
Vote for @Steemitboard as a witness to get one more award and increased upvotes!

Coin Marketplace

STEEM 0.28
TRX 0.13
JST 0.033
BTC 62549.96
ETH 3022.14
USDT 1.00
SBD 3.67