Isang Panig Ng Pag-ibig (One Sided Love)

Wala pa yatang mas masakit sa isang one sided love. Yong tipong, ikaw lang yong nagmamahal. Ikaw pa rin yong umaasa. Pilit mo pa ring isiniksik sa utak mo na BAKA gusto karin nya at BAKA may pag-asa pa kahit wala talaga.. Yong parang nakasakay ka sa jeepney at di mo alam yong pupuntahan. Nakakalito kung saan ka papatungo.

hands-1820675_1920.jpg

Ang hirap pala sumuko kasi natutunan mong lumaban sa paraan na alam mo na ikasisiya ng puso mo. Di mo mawaksi sa isipan mo para kang lyriko sa kanta na nagbibigay sigla sa araw-araw na dalangin mo. Mahirap at Masakit.

Pagod ka pa sa kakatakbo, pagod ka pa sa kakahabol. Huwag na, tapusin mo na, dahil masakit na talaga. Ewan ko ba kung bakit ikaw ang naging mundo ko kung sa mundo ko wla palang tayo.

Coin Marketplace

STEEM 0.27
TRX 0.13
JST 0.032
BTC 64161.84
ETH 2950.76
USDT 1.00
SBD 3.60