"BAKIT GANITO?" : MGA KATAGA

in #filipino-poetry6 years ago

image
Photo Credit

Hindi na lahat maunawaan,
Ang aking mga nararamdaman.
Ako ba ay nagiging manhid
dahil sa nakaraan?

Nakaraan kung saan
ko naranasan,
itong lahat na ang resulta'y damdamin ng kapighatian.

Ako na sana ay nanabik,
Sa iyong pagbabalik
Ngunit ang aking pag-asa
na babalik ka pa ay tila isang pasang-awa.

Nawala, nawala
na para bang bula.
Ayoko na talaga,
Ako'y Nalilito na.

Litong lito na ang isip ko,
Gulong gulo na di ko na rin maisip kung ano na ba talaga ito.
Bakit ganito? Bakit?

Sinabi ng mga tao
sa paligid ko,
Isipin ko na lang ang mga alaala
na ako'y masaya habang kapiling ka. Pero mahirap sapagkat di alintala ang iyong pagkawala.

Ngunit sa tuwing masisilayan
ang masasayang alaala sa aking isipan,
Hindi ko maipaliwanag ang aking mga nararamdaman,
Sapagkat dinaramdam pa din ang kalungkutan

Litong lito
Gulong gulo
ang isip ko
Bakit ganito?

Please follow and support our very own @surpassinggoogle and @teardrops. VOTE @steemgigs as your witness!

Coin Marketplace

STEEM 0.29
TRX 0.11
JST 0.031
BTC 68068.52
ETH 3873.47
USDT 1.00
SBD 3.64