#236 Filipino Poetry: "Krisis"

"Krisis"


Isang madilim at masikip na daan
para akong pinapatay ng dahan-dahan
sumisikip ata ang hangin
patungo sa maliit kong lalamunan

Sadyang ang hirap talaga
pilit akong nagpumiglas
parang nakagapos at nakapusas
di makawala sa oras

Talagang subra ang rahas
puso at isip ko ay binubutas
sa mapait na sitwasyon
na aking dinadanas

Mukha ko ay parang maayos
matapang raw at makisig
sabi ng karamihan sa aking kapaligiran
pero hindi nila alam
may krisis akong nilalabanan


Naway nagustuhan niyo ang aking gawang tula. Subaybayan pa ang mga kapanapanabik na mga gawa na dito lang sa steemit mailalathala. Maraming Salamat!

Previous Filipino Poetry


Image Taken from Unsplash

New-Animation-1.gif

Follow-Me-(Looped).gif

themanualbot.jpg

follow_themanualbot.gif

Coin Marketplace

STEEM 0.30
TRX 0.12
JST 0.034
BTC 63475.77
ETH 3117.23
USDT 1.00
SBD 3.94