IKAW AT AKO MAGPAKAILAN MAN - TULA (A FILIPINO POEM)

in #filipino6 years ago

AKING KAIBIGAN

Noong una kitang makita ay di ko inakala,
Ikaw pala ang magbibigay ligaya,
sa mundo kong naging abala,
Sa mga karanasang namamamantala
sa buhay kong puno ng problema.

Sa mga inihahatid mong puno ng bati.
Ako’y pasayahin lamang ang iyong minimithi,
Upang sa gayo’y hindi ako magdadalamhati.

Ako ay natutuwa sa maganda mong hangarin,
Na walang iniisip kundi lagi akong paligayahin,
Natuto akong hindi maging tampuhin,
Sapagkat palagi kang may inihahabilin.

O aking kaibigan, ibig kung pasalamatan,
Mga ginawa mong walang katapusan,
Aking ibaon sa aking isipan,
Ikaw lamang ang aking pinapapahalagahan.

Kung iyong tatanggapin, may nais akong sabihin.
Na ikaw lamang ang gusto kong kapiling,
Maging matalik na kaibigan na laging maaasahan
sa unos man o kasaganaan.
Kaya kaibigan kaligayahan kong ipaalam,

IKAW AT AKO MAGPAKAILAN MAN.

*****UPVOTE*****

*****RESTEEEM*****

****FOLLOW*****

photosource @ google image - friendship

Sort:  

nice.

nice poem

thanks bro.

Coin Marketplace

STEEM 0.27
TRX 0.13
JST 0.032
BTC 64693.66
ETH 2975.51
USDT 1.00
SBD 3.70