BUHAY MAG ASAWA Tula gawa ni Jeny101

in #filipinopoetry6 years ago

20180326_074859.png

Away bati ; Away bati
Ganyan ang buhay mag asawa
Mag-aaway, Magtatampuhan
Pro di susuko at di maghihiwalayan.

Kung napapagod man, Magpapahinga
Pro di bibitiw sa isat-isa
Kakapit sa bawat pagsubok na darating sa inyo
Kasi sayang yung panahon at pangarap ninyo na nabuo.

Tanggapin ang maling nagawa
Itama at magsimula
Nang sa ganun higit ninyong makilala
Kung sino yung taong habang buhay ninyong gustong makasama.

Sa umpisa lang mahirap at masakit
Kung malalagpasan ninyo
tiyak tagumpay ang makamit
Ligaya at kasiyahang mararamdaman nyo
Kung bawat isa sa inyo nagmamahalan ng totoo
At mag-uunawaan ng todong todo

Wag kalimutang manalig sa Ating Panginoon
At iuna ito sa inyong relasyon
Dahil siyay higit na nakakaalam
At makapangyarihan
Na ating tinatawag nino man sa ating mundong ginagalawan.

Sort:  

Magkakatampuhan pero walang hiwalayan!
Tama po yan ma'am, ganyan ang tunay na pag-ibig! :)

Coin Marketplace

STEEM 0.28
TRX 0.13
JST 0.033
BTC 62414.94
ETH 3019.57
USDT 1.00
SBD 3.58