Taong Nasasaktan Tumatayo At Lumalaban

in #filipinopoetry6 years ago

FB_IMG_1521986817603.jpg

May mga tao talaga, wagas kung mang husga
Sa mga taong di pa nga nila kilala
Kung makapagsalita, akala nila perpekto sila
Kaya GoodLuck nalang sa mga buhay nila.

Walang taong perpekto sa mundong ating ginagalawan
Lahat tayo nagkakamali at nagkakaroon ng aral sa ating karanasan
Kaya wag kang magmamagaling , na para bang ika'y perpekto
Para di ka pagtatawanan ng mga kapwa taong nasa paligid mo.

Masakit ang salitang binibitawan mo
Dinurog mo ang puso ng pamilya ko
Wag magsalita ng masakit sa kapwa mo
Na para bang ang pamilya mo ay perpekto.

Bakit nga ba may mga taong ganito?
Kung makapagsalita, akala nila sila'y perpekto
At nakakapanakit ng mga kapwa nila tao
Na para bang sa kanila wala lang ang mga ito.

Kaya sana, isipin muna, bago magsalita
Kung wala ka bang masasaktan, sa binibitiw ng iyong dila
Para di ka makapanakit ng damdamin ng iyong kapwa
At walang taong masasaktan sa iyong ginagawa.

Wag magsalita ng tapos, kung ika'y nag-uumpisa pa lamang
Baka di mo makamit ang iyong pinaglalandakan
Mas mabuti pang tumahimik at magsumikap na lamang
Para pag dating ng araw, di ka nila pagtatawanan.

By: jeny101 #hugotpamore

        GOD BLESS US ALL😍😍😍

Coin Marketplace

STEEM 0.28
TRX 0.13
JST 0.032
BTC 60913.71
ETH 2919.21
USDT 1.00
SBD 3.71