#Filipino Poetry: Sa Iyong Paglayo

in #filipinopoetry6 years ago

IMG_20180529_184654_138.jpg
Sa iyong paglayo, batid ko ang iyong kalayaan
Bawat hakbang mo'y nais kitang pigilan
Alam ko'ng ako'y maiiwang luhaan
Pagkat di mo kayang ako'y ipaglaban.

Sa iyong paglayo, naisip ko'ng mas lalo kitang kailangan
Ngunit ano'ng magagawa ng pusong pinaglaruan
Kundi ang umasa na muli iyong babalikan
At darating ang araw na ika'y muling mahagkan.

Sa iyong paglayo, hangad ko ang iyong kaligayahan
Sana'y tunay na pag-ibig iyong makamtan
Pagmamahal niya'y huwag mong hayaan
Huwag mong sayangin, ito'y pahalagahan.

Coin Marketplace

STEEM 0.30
TRX 0.11
JST 0.031
BTC 68515.51
ETH 3777.39
USDT 1.00
SBD 3.65