The Diary Game January 3, 2021 : Ang Araw na Nilibre ko ang Aking Anak Mula sa Steemit Payout

in Steem SEA3 years ago

Magandang Araw mga Ka Steemit !!! Isang masayang araw na ito ngayon dahil sa tuwing nakakatanggap ng payout galing sa aking online job na labis kong pinaghihirapan.

IMG_20210111_171407.jpg
Ako at ang anak ko na si Kyla

Ngayong araw ay nag cash out ako ng aking munting kita galing sa Steemit.Sinabi ko noong nakaraan na gusto kong mag jollibee at ilibre ng Jollibee ang aking pamilya kapag ako ay naka payout.

Pumunta kami ng Mall ng anak ko na si Kyla para bumili ng charger at notebook dahil sira na ang aking charger ayaw ng mag charge sa cellphone ko at bumili din ako ng maliit na notebook para maisulat ko ang aking mga plano at gustong gawin sa araw araw dahil sa dami ng online job ko ay nakakalito na if ano na ang uunahin ko.

IMG_20201211_133953.jpg
Litrato ng mall habang nakasakay kami sa jeep

Ang pangunahin kong pinagkakakitaan ay ang pagiging handler ng isang livestreaming app at pangalawa ay mas nag focus ako ngaun dito sa steemit.Hindi man kalakihan ang kinikita ko sa Steemit ay masaya na rin ako dahil kahit barya pag inipon mu at tumagal lumaki ng unti at malaki ang value ng SBD.

Kinukunan ko ng litrato ang Simbahan at kalsada sa syudad mula dito sa overpass namin habang papunta kami sa Mall.

FB_IMG_1591323839401.jpg
Kuha ng litrato ng simbahan at kalsada

Sa wakas nakapag Jollibee din kami ng anak ko.Umorder kami ng Fried chicken , fries at burger.Dati ay madalas kaming mag punta sa Jollibee ng mga anak ko ngaun ay hindi na kaya naman ay tuwang tuwa kami ng pinapasok kami sa Jollibee.

Ngayong sunod kong payout sa Steemit ay gusto kong dalhin ang mga anak ko sa Mcdonalds limketkai kasi pede na daw dalhin ang mga bata sa Mcdo basta nka faceshield at facemask syempre need pa rin ang alcohol at social distancing.

Ito muna ang ikukuwento ko sa aking #thediarygame ngaung araw na ito.Hanggang sa muli mga ka Steemit.

Maraming Salamat sa Panginoon na di nya ako pinabayaan at unti unting natutupad ang aking mga munting pangarap para sa aking mga anak sa pamamagitan ng Steemit
At kay @steemcurator01 @steemitblog @steemcurator08 at sa lahat ng bumuo ng challenge ng #thediarygame .

Sort:  
 3 years ago 

IMG_20201008_202623.jpg


SELAMAT

Postingan anda telah mendapat kurasi secara manual dari akun komunitas @steemseacurator.
Terimakasih telah berpartisipasi dalam komunitas Steem SEA

Kami akan sangat berterimakasih jika anda bersedia mendelegasikan Steem Power (SP) anda untuk kemajuan komunitas Steem SEA ini

Salam hangat
Anroja

Link pintas untuk delegasi:
100SP 200SP 500SP 750SP
1000SP 1500SP 2000SP 2500SP 3000SP

Very clean city

Yes it is thank u my friend :)

 3 years ago 

This post has been rewarded by @steemcurator08 with support from the Steem Community Curation Project.

Follow @steemitblog to get info about Steemit and the contest.

Anroja

Coin Marketplace

STEEM 0.28
TRX 0.13
JST 0.032
BTC 63041.44
ETH 2985.81
USDT 1.00
SBD 3.61