The Diary Game November 20, 2021 :Maligayang Pasko !!! Unang Pasyal Naming Pamilya Mula sa Pandemya !

in Steemit Philippines3 years ago (edited)

Magandang araw at Maligayang Pasko mga ka Steemit Philippines ! Ako ay masayang masaya ngayon na ako ay nakabalik sa pagsusulat ngayon dito sa Steemit sana ay muli nyo akong tangkilikin at suportahan.

Ngayong araw na ito ay ibabahagi ko sa inyo anf masayang araw naming pamilya kahapon.Ang pinaka unang muling pagbabalik pasyal naming pamilya sa SM mall at pagkuha namin ng National ID.

Pagpasok pa lang namin sa Mall ng 1:00 pm ng hapon ay pahirapan na dahil kailangan ng fully vaccine card para makapasok sa mall.Unang bungad pa lang sa loob ng SM ay makikita na ang napaka laki , mahaba at makinang na Christmas Tree. Ang haba nito ay hanggang 4rth floor.Nakakamangha at nakaka Wow talaga !

Ang pamamasyal kasama ang mga anak ko ay isang pamamaraan ng aming kasayahan kaya naman ay tuwang tuwa kami ng makalabas at makapasok kami sa mall.Napakasarap ng pakiramdam ko na makita ko silang tuwa tuwa na parang abot tenga ang ngiti nila.

Inuuna muna naming pumila at tapusin ang aming National ID.Kelangan naming tapusin ang National ID dahil yun talaga ang pakay namin ng pagkuha ng National ID at isinabay nalang namin ang pamamasyal.

Pagkatapos ng aming National ID ay kumain kami sa Chowking.Umorder kami ng maraming pagkain at kumain ng marami dahil nagutom kami mula sa tagal ng pila sa National ID.

Enjoy kami sa aming mga kinakain.Di na makapag antay ang aking mga anak at gusto na nila pumunta sa napakalaking Christmas Tree.Kaya naman dali dali kaming bumaba mula sa 3rd floor at pumunta sa first floor para magpa picture ng marami sa napaka bonggang Christmas Tree.

Nagpicture kami ng mga anak ko hanggang sa magsawa kami.Napaka daming tao na nag picture din parang di na alintana na meron pa ring covid.Marami rin ang kumuha ng letrato dahil excited sila na maipost din ito sa kanilang social media accounts.

Ako naman ay kumuha ng napakaraming litrato dahil ito ay ipang post ko dito sa Steemit.Napakasaya namin ang dami naming nakuhang pictures parang di namin ramdam ang stress at problema kahapon ang gusto ko lang ay magsaya kasama ang mga anak ko.

Pagkatapos namin pumunta sa malakig Christmas Tree ay pumunta naman kami sa palaruan na Fun Time.Gustong gusto ng mga anak ko ang maglaro doon sa Fun Time kaya naman hinayaan ko sila sa kanilang kagustuhan na maglaro.

Matapos nilang maglaro sa Fun Time ay umakyat naman kami sa 5th floor sa mini park ng SM medyo madilim na kaya madilim ang kuha ko ng litrato.

Alas 7 na ng gabi ng matapos kami sa pamamasyal mula sa dambuhalang Christmas Tree, Fun time, Mini park at National ID. Nagutom kami dahil hapunan na kayat kumain na naman kami sa Mang Inasal.Umorder kami ng inasal na manok na may unlimitted rice at halo halo.

Ang panghuli ay nag grocery muna kami ng konti sa SM supermarket para may ipangkain kami kinabukasan.

Natapos ang araw namin na masaya at puno ng masayang ala ala.Ramdam ko kahapon na malapit na ang pasko at magiging masaya sa aming itong ng aking pamilya kahit na kami lang.

Hanggang dito na lamang.Masaya akong maibahagi ang kasiyahan namin sa aming pamamasyal.Hanggang sa muli mga ka Steemit ! Sana ay patuloy nyo akong suportahan para tuloy tuloy na ang aking pagsusulat.

Maraming salamat sa @steemitphcurator sa pagkakataon na ako ay naging active ulit dito at sa #steemitphilippines community.

Sort:  
 3 years ago 

Ganda ng mask mo. Nice enjoy na enjoy mga anak mo.

 3 years ago 

Tnx sis sa pag support :)

 3 years ago 

ang saya ng mga kids nakagala muli sa mall.

 3 years ago 

Ganda naman ng lugar na pinuntahan nyo po ate

 3 years ago 

mas nindot dha sa inyo migoy soroy unta ko dha

Coin Marketplace

STEEM 0.28
TRX 0.11
JST 0.031
BTC 69266.11
ETH 3871.54
USDT 1.00
SBD 3.72