“ALA-ALA” | orihinal na likha ni @joreneagustin

in Steemit Philippines2 years ago

png_20220901_140635_0000.png

Sa pagpikit ng mga mata
Laging ikaw ang nakikita
Nagbabalik ang mga bagay na,
dapat isa ng ala ala.

Sa panaginip nalang makikita
Ikaw at ako, ang tayong dalawa.
Matutulog kasama ang mga luha,
gigising na mga mata'y namamaga.

Kay tagal nang panahon ang lumipas
Ngunit alaala mo'y di kumukupas
Akala ko madali ang limutin ka
Ngunit paano? Kung sa bawat bagay
na nahahawakan ay ipina-aalala ka?

Sa mga lugar kung saan tayo’y pumunta
Kumakatok ang mga ala-alang magkasama
Na ang tayong dalawa’y malaya pa
Dati, hindi natin inakala
na tayo’y hahantong sa isang alaala.

Coin Marketplace

STEEM 0.29
TRX 0.11
JST 0.030
BTC 68433.35
ETH 3735.63
USDT 1.00
SBD 3.66