Act of Kindness - Ang Aming Pinakabagong Feeding Mission for the Kids Philippines

in Steemit Philippines2 years ago (edited)

Mabuhay at Maligayang Araw sa ating lahat!!!!

Isang napakagandang araw ang nagdaan sa ating mga buhay at salamat sa Dios dahil sa walang sawang pagmamahal at pagbibigay ng lahat ng ating mga pangangailangan araw-araw lalong lalo na sa aming nagdaang Feeding Mission for the Kids Philippines.

20220127_205919.jpg

Sa patuloy na pagpapakita namin ng pagmamahal sa Dios at sa lahat ng mga taong nangangailangan lalong lalo na ang mga bata, ang aming #actofkindness o ang aming Feeling Mission for the Kids Philippines ay nagpapatuloy sa bagong taon na ito at naganap na nga ang kauna-unahan naming Feeding Mission.

Nangyari nga ang aming Feeding Mission sa isang lugar na medyo malayo at lugar ng mga Higaonon o isang tribu at salamat sa Dios dahil isang magandang pagkakataon na makapagbahagi sa kanila ng tulong kahit sa munting paraan lang lalong lalo na ang mga bata.

Upang makapagsimula ng maaga sa lugar na ito ay umaga pa nga ay nagbyahe na papunta sa venue dahil higit isang oras pa ang byahe bago makarating dito at salamat sa Dios dahil makarating kami ng maayos dito.

Pinagtulong tulongan nga ang lahat ng mga dapat gawin pagkadatinh din namin tulad na lamang ng pagluluto ng mga pagkain habang ang iba ay nasa mga bata nagtuturo ng mga sayaw, pagkanta at mga laro at na aliw naman ang mga bata. Noong malapit na magtanghali ay oras na din upang makapagbahagi ng mga salita ng Dios ang aming Pastor hindi lang para sa mga bata kundi pati na rin sa mga magulang na nandoon din sinamahan ang kanilang anak at nakikinig din sa aming Pastor. Malaki ang aming pasasalamat sa Dios dahil naging maayos ang lahat hanggang sa oras na nang pananghalian.

Pagkatapos nga nang aming munting programa at nakapagbahagi na ng mga salita ng Dios ang aming Pastor ay oras na din ng pananghalian dahil medyo nagugutom na rin ang mga bata sa oras na ito.

Upang maging maayos nga ang lahat ay pinagtulongan naming lahat mula sa pag asikaso sa mga bata na dapat unahin sa linya ang mga maliliit hanggang sa pagdala sa kanila sa maayos na pwesto upang makakain ng maayos hanggang sa makakain na din ang lahat kasali na din ang mga magulang na nandoon sa feeding Mission namin.

Natapos kami ng mga nasa oras na 2:00 ng hapon at pagkatapos nga nang aming feeding mission ay nagpunta muna kami sa mga magandang lugar na pwede naming makita para makapag relax muna kami at naka uwi na din kami ng maayos sa aming mga bahay bahay. Talagang malaki ang aming pasasalamat sa Dios dahil naging maayos ang lahat.

Para sa Dios ang lahat nang Papuri at Pasasalamat!!! 😇🙏☝

Mabuhay ang Steemit Philippines Community

loloy2020.gif
Gif Footer Credits to @baa.steemit


received_106774058057322.webp

Footer credits to @kennyroy

Sort:  
 2 years ago 

Ang saya po na nakikita sa mukha ng mga bata ay walang kapalit na halaga. Lalong-lalo na ang pagkarinig nila ng mga salita ng diyos... good luck po sa susunod na feeding mission.

 2 years ago 

ganitong gawain po talaga ang need ng karamihan sa atin ngayon. Napa ka noble po nito! God bless you more!

Coin Marketplace

STEEM 0.28
TRX 0.13
JST 0.032
BTC 61626.58
ETH 2940.28
USDT 1.00
SBD 3.66