The Diary Game Season 3 (01-21-2022) | Ang Pagbahagi ko ng Aming Kauna-unahang Evangelism sa Taong 2022

in Steemit Philippines2 years ago

Mabuhay at Maligayang Araw sa ating lahat!!!!

Malapit na ngang magtapos ang buwan ng January ngayong taong 2022 at talaga ngang napakadali lang ng panahon na hindi na natin mamalayan na ang bilis din nating tumanda pero sa lahat ng mga pangyayaring ito tunay na napakabuti ng Dios sa atin. Para sa Diary Game post ko sa araw na ito, ibabahagi ko sa inyong lahat ang nagdaang Evangelism event namin kasama ang mga kabataan namin sa Church na ito din ang kauna-unahan sa taong ito.

IMG_20220116_142901_068.jpg

Napag-usapan nga namin na magsasagawa kami ng aming Kauna-unahang Evangelism sa araw na ito at dahil din ito ang naisagawa namin sa aming nagdaang Strategic Planning. Mga hapon na din kami nakapagsimula ng aming Evangelism at salamat sa Dios dahil bagamat makulimlil ang kalangitan ay hindi pa naman umuulan.

IMG_20220116_141421_071.jpg

Noong nagsimula nga kami ay naging maayos naman ang lahat dahil sa unang mga bahay na aming pinuntahan ay naging maayos naman ang pagtanggap sa amin. Taus puso nila kaming pinakinggan, lalong lalo na ang mga salita ng Dios na aming ibinahagi sa kanila na siya naman talagang pinaka importante kung bakit namin ito ginagawa.

IMG_20220116_145921_734.jpg

IMG_20220116_153518_603.jpg

Mga nasa apat na bahay lahat ang aming napuntahan sa Kauna-unahang Evangelism namin at salamat sa Dios dahil naging maayos ang lahat at naibahagi namin ng maayos ang mga salita ng Dios at sa tulong ng Dios alam namin na hindi ito masasayang dahil alam nin na ang Dios lamang ang magpapa intindi at magbibigay linaw sa kanilang lahat.

Sa kabuoan ang naging magagumpay ang aming gawain sa araw na ito at ito ay sa tulong lamang ng Panginoong Hesus-Kristo na nagbigay lakas sa aming lahat, hindi namin ito magagawa kung wala ang tulong Niya. Natapos kami ng maayos at naka uwi din ng masaya at maayos.

Para sa Dios ang lahat nang Papuri at Pasasalamat!!! 😇🙏☝

Mabuhay ang Steemit Philippines Community

loloy2020.gif
Gif Footer Credits to @baa.steemit


received_106774058057322.webp

Footer credits to @kennyroy

Coin Marketplace

STEEM 0.27
TRX 0.13
JST 0.032
BTC 61451.22
ETH 2929.56
USDT 1.00
SBD 3.65