The Diary Game Season 3 (03-12-2022) || Ang House Dedication at Child Dedication sa Claveria Misamis Oriental

in Steemit Philippines2 years ago

Isang Mapagpala at Maligayang Buhay sa ating lahat!!!

Maraming mga pangyayari sa ating buhay na ating ipagpasalamat sa Dios at isa na nga nito ay ang buhay na kanyang ibinigay sa atin sa araw na bagamat maraming hindi gaanong magandang nangyayari sa atin ngayon ay nandiyan pa rin ang Dios handang tumulong at umalalay sa atin.

Para sa araw nga na ito ay ibabahagi ko sa inyong lahat ang nangyaring House Dedication at Child Dedication ng isa sa matalik na kaibigab ng aming Pastor na nakatira sa Claveria Misamis Oriental.

20220313_213504.jpg

Nitong nagdaang mga araw nga ay meron akong natanggap na mensahe mula sa aking Pastor na pinsan ko rin na meron kaming gagawing mission doon sa Claveria Misamis Oriental dahil ang isa sa kanyang matalik na kaibigan ay magpapa dedicate ng kanyang bahay at pati na rin sa kanyang ikalawang anak na mga nasa 8 buwan na. Kaya noong natanggap ko ang mensahing ito ay agad akong pumayag at naghanda.

Mga nasa oras nga na 4:30 ng umaga ay nag alarm ako upang maaga akong makapaghanda na kahit na talagang napaka aga ay nagpapasalamat ako sa Dios dahil nagising talaga ako. Kinumusta ko rin ang isa sa aming youth sa Church na makakasama namin papunta doon at salamat sa Dios dahil maaga din siyang nagising at mas maaga pa sa akin.

Nagkape nga muna ako at kumain na tinapay at meron din lugaw para sa agahan at para din mainitan ang aking tiyan dahil sobrang lamig ng panahon. Dumating nga kami doon sa lugar kung saan kami maghihintay ng sasakyan ng aming Pastor ng mga nasa 6:30 ng umaga at ilang minuto ay dumating na rin ang aming Pastor at oras na rin ng aming medyo mataas na byahe.

Kaming lahat ay mga nasa 6 at meron din dalawang bata na kasama namin na mga anak nang aming Pastor na talaga namang napaka sweet sa isat-isa. Habang nakakabata na si Baby Reign ay gustong matulog, nandyan naman ang kanyang kuya na si Obed handang umalalay sa kanya, talaga naman masayang pagmasdan ang mga magkapatid na ganito. Medyo mataas-taas nga ang aming byahe pero salamat sa Dios maganda naman ang takbo namin.

IMG_20220312_121704_204~2.jpg

Sa wakas ay nakarating na rin kami sa bahay na kung saan ito ay e- dedicate sa Dios at talaga naman napakaganda ng bahay nila maganda pa ang lugar dahil libre na aircon dahil napakalamig ng paligid at malayo din sa mga ingay at pulosyon ng syudad.

Mga nasa 9:00 na nga iyon umaga at ilang oras ay nagpahinga muna kami bago mag simula ang dedication. Pagsapit naman ng mga nasa 11:00 ay nagumpisa na ang munting programa at pinangonahan ito ng aming Pastor at unang ginawa ang pag dedicate sa bahay. Doon nga ay meron isinagawang mga pagbahagi ng mga salita ng Dios at iba pang mga dapat gawin sa pagdedicate ng bahay.

Pagkatapos ng munting programa sa labas ng bahay ay ipinagpatuloy ito sa loob at ipinagpatuloy din ng aming Pastor ang pagabahagi ng mga salita ng Dios na kung saan pinaliwanag ng aming Pastor ang kahalagahan kung bakit kailangan na mailay ang isang bahay sa Dios at talagang nagpapasalamat sa Dios ang mga may-ari ng bahay sa mga salita ng Dios na naibahagi ng aming Pastor.

Mga ilang oras, pagkatapos ng pag dedicate ng bahay ay sinundan din ito ng pagdedicate sa anak ng may-ari ng bahay at pati na rin sa anak ng kanyang kapatid na parihong mga maliliit pa na mga bata at talagang napaka cute nilang dalawa. Sa mga oras ding ito ay ibinahagi ng aming Pastor ang kahalagahan kung bakit kailangan na mai dedicate ang isang bata sa Dios at kailangan na mapalaki ang mga bata na mayroong takot at paniniwala sa Dios, magagawa lang nila ito kung sila mismo ay merong tunay na relasyon sa Dios.

IMG_20220312_131112_032~2.jpg

Mga nasa oras na higit 1:00 ng hapon na natapos ang dedication ng bahay at ng mga bata dahil medyo natagalan itong na umpisahan pero nagpapasalamat kaming lahat sa Dios dahil natapos ito ng maayos at naging masaya ang lahat.

Ngayon oras na din ng pinakahuling part ng selebrasyon ang pagsasalo-salo naming lahat at marami ngang mga pagkain ang nasa aming hapagkainan at busog na busog kaming lahat sa mga masasarap na pagkaing nakahain, salamat sa Dios.

Sa kabuoan ay naging masaya at successful ang aming mission sa araw na ito dahil naging maayos ang lahat at maraming mga tao ang nakarinig ng mga salita ng Dios at tumanggap sa Dios. Ang tanging dalangin lang namin ay sana makabalik din kaming muli sa lugar na ito para sa mga gawain ng Dios.

Para sa Dios ang lahat nang Papuri at Pasasalamat!!! 😇🙏☝

Mabuhay ang Steemit Philippines Community

@LOLOY2020
Achievement Task 1 | Facebook | Twitter

Coin Marketplace

STEEM 0.27
TRX 0.11
JST 0.031
BTC 67731.65
ETH 3780.34
USDT 1.00
SBD 3.51