Tagalog Poetry | Mahal, Naalala mo pa ba? | 10% payout to @steemitphcurator

in Steemit Philippines3 years ago

Hello everyone here in steemit Philippines, I want to share to you my own Tagalog Poetry and i hope you will like it.

CollageMaker_20210914_212747704.jpg

Mahal, naalala mo pa ba nung una tayong nagkita? Nung una tayong nagkakilala? Siguro nakalimutan muna, nakalimutan mo na tulad ng paglimot mo sa ating dalawa.

Mahal, Naalala mo pa ba nung una mong hinawakan ang aking mga kamay? Nung una mong hinalikan ang aking labi? Nung una mong angkinin ang tumitibok kung puso?
Mahal naalala mo pa ba?oh sadyang kinalimutan mo na. Gusto mo bang kwentohan kita sa bawat minuto ng ating masasayang alaala, bawat segundo ng ating wagas na pag ibig, wagas na ngayo'y naging wakas. Wag na pala, nakalimutan kong tapos na pala ang ating pagmamahalan sa isat isa, tapos na dahil tinapos mo na

Mahal kung naalala mo pa ang lahat ng binanggit ko sana hindi na magbabago ang isip mo, dahil hindi ko kayang masaktan siya, ayokong maramdaman niya ang naramdaman ko nung nalaman kong mahal mo sya.

Mahal naalala mo pa ba nung kinausap ka niya? Oo naman naalala mo pa, pano mo naman makakalimutan yun, eh yun ang simula ng maganda niyong relasyon ngayon. Relasyong dapat sana ikaw at ako ang magkasama pero iniwan mo ako bigla bigla at ako'y nabigla ng sumama ka sa kanya.

Mahal, ako pa ba? Oh sya na talaga?
Mahal, naalala mo pa ba nung araw ng mga puso? Nung tumawag ka sakin at sinabi mong may sakit ka, may sakit ka at hindi mo ako kayang ipasyal, mahal hindi ako tanga, nasa likuran nyo lang ako habang nakatitig sa inyong dalawa na mahigpit na magkayakap. Tanong ko lang? Masaya ba sya? Masaya ba sya na pinagsabay mo kaming dalawa? Ano bang meron sa mundo mo at usong uso ang 2 n 1 sayo. Ay hindi pala, pasensya na mahal ko nakalimutan kong stick to 1 ka pala pagdating sa kanya.

Mahal, naalala mo pa ba nung tinanong kita na, mahal mo ba ako? Naalala mo pa ba? Nung sinagot mo ako na, "oo mahal kita, pero pasensya na, pasensya na dahil mas mahal ko sya"

Mahal pasensya na kung sumuko ako, sumuko ako hindi dahil hindi na kita mahal, hindi dahil mas maganda sya at kaakit akit kesa sa akin, at mas lalong hindi dahil hindi kita kayang ipaglaban, mahal tandaan mo, sumuko ako dahil mahal na mahal kita at alam ko sa sarili ko na wala na akong lugar sa puso mo dahil hindi na ako, hindi na ako ang mahal mo, hindi na ako ang nagpapasaya sayo at mas lalong hindi na ako ang nagpapatibok ng puso mo, at kahit mahal pa kita isusuko kita para sa kanya, kasi ayokong maranasan nya ang sakit na naranasan ko.

Mahal, pakiusap ko sana wag mong kalimutan ang sasabihin ko sayo, mahal paglaanan mo ito kahit konting oras man lang, mahal wag mong ipikit ang yung mga mata tumingin ka sa akin ng diretso at pakinggan mo ang sasabihin ko.

Mahal alagaan mo ang kapatid ko mahal na mahal ko yan.

@lonelymae

Sort:  
 3 years ago (edited)

Wow ang galing

Coin Marketplace

STEEM 0.27
TRX 0.13
JST 0.032
BTC 62795.05
ETH 2941.10
USDT 1.00
SBD 3.55