Patawad Ko'y Matatanggap Pa Ba?

in Steemit Philippines3 years ago

image.png
Image Source

Muni-muni sa gabi,
Mga alaala ng nakaraa'y dumadagsa,
Mga patak ng luha'y tila baha kung rumaragasa,
Ng sakit na hatid kahit ito'y isinantabi.

Kaibigan ko,
Kapatid kong tinuring sa puso,
Ako'y nagkakamali at nag ipon ng poot,
Dahil sa sugat ng nakaraa'y di malilimot.

Kung darating ba ang daan-daang minuto,
Ako ba'y iyong mapapatawad?
Sa emosyon na aking ibinabato?
Kahit pa na ikaw ang naglahad sa akin ng palad.

Gabi-gabi'y hindi ko maiiwasan lumuha,
Ikaw, kayo, ay lagi nasa isip at puso ko,
Pag ako bumabalik sa inyo,
Ako pa ba ay tanggap nyo pa?

Sort:  
 3 years ago 

Maraming salamat po sa pagbahagi nang iyong post.

Sa karagdagang impormasyon, paki bisita po ang ating Community Account at ibang Social Media Accounts.

New Diary Game Contest Rule

Diary Game Contest with new Rule Added

God Bless po!!!

 3 years ago 

maraming salamat po

Coin Marketplace

STEEM 0.27
TRX 0.13
JST 0.032
BTC 61383.17
ETH 2915.78
USDT 1.00
SBD 3.61