Burnsteem25|| Diary Game Season 3|| October 19, 2022|| "Nature Travel"

in Steemit Philippines2 years ago

1_20221019_153139_0000.png

Edited By: Canva Application
Isang mapagpalang araw sa ating lahat.
Kapag Probinsya ang pag-uusapan ay alam agad natin kong ano ang makikita natin dito. Kadalasan din sa Probinsya puro mga bahay na ang makikita pero may mga lugar din na puro mga punong-kahoy ang makikita o matatagpuan. Kaninang umaga, nagpasya akong pumunta sa isa sa karatig lugar dito sa Manticao. At dahil mahilig ako sa mga usaping pangkalikasan kaya ito ang ibabahagi ngayong hapon. Kapag mapapanatili natin ang kaayusan at kasiglahan ng lugar ay matatamasa talaga natin ang kagandahan nito. Maipapakita pa natin sa pamamagitan nito ang ating pagmamahal sa kalikasan.

IMG20221019075618.jpg

Ito ang lugar na kong tawagin namin ay Sta. Cruz. Dito isinasagawa ang pagpoprosisyon ng krus tuwing kwaresma. Isa ito sa mga matataas na bundok na matatagpuan dito sa Manticao at nasa 10 ka bahay lamang ang makikita o nakatayo dito sa naturang lugar. Ang bundok ng Sta. Cruz ay ang hangganan ng Sitio Kabulu-buluhan o mas kilala ngayon sa tawagna linangga at ang lugar kung saan matatagpuan ang pampublikong merkado dito sa lungsod.

Mahirap puntahan ang lugar na ito dahil walang daan at napakamadulas dito kahit walang ulan dahil sa mga maliliit na mga bato. Ito ang unang bundok na makikita dito sa lungsod ng Manticao at sa katunayan malaking tulong ang lugar na ito tuwing may malakas na hanging dulot ng masamang panahon. Ito ang nagsisilbing harang para hindi mapuruhan ng malalakas na hangin ang mababang parte ng lugar.

IMG20221019071340.jpg

Dito sa lugar matatagpuan ang mga ibat-ibang uri ng mga ligaw na mga bulaklak at halaman, isa na dito ang bulaklak na ito. Lubos akong namangha sa aking nakita kanina lalo na sa bulaklak na ito. Maraming mga dayo o mga taong nagmula pa sa malalayong lugar na nakabighani sa ganda nito, lalo na sa kanyang kulay, desinyo at iba pa. Maliban sa kulay orange na kulay ay may iba pang kulay ang bulaklak na ito gaya ng violet, pink, white na may kasamang yellow at purple.

Hindi ito rare na bulaklak bagkus pinuputol ito ng mga taong gustong magtanim sa naturang lugar napakarami kasi nito kaya pinuputol nalang. Hindi naman masasayangan ang mga tao dahil madali at tumutubo lang ito kahit saan.

IMG20221019080204.jpg

Sa paanan ng bundok makikita ang ilog na ito. Marami ko nang beses naibahagi ang ilog na ito pero dahil parte ito ng aking travel blog ay isasali ko nalang dito. Dito ako dumadaan kapag uuwi ako sa aming bahay. Nagsisilbi itong hangganan sa pagitan ng dalawang Barangay, Ang Barangay Poblacion at Barangay Paniangan. Napakalaking tulong ng ilog na ito dahil dito minsan kumukuha ng ikakabuhay ang mga residente na nakatira malapit sa ilog kasama na ang paglalaba, pagliligo at marami pang iba.

IMG20221019080235.jpg

Short cut din ito para sa mga taong nakatira sa bukid ang problema lang dito tuwing bumabaha ng malakas, hindi talaga makakatawid ang mga tao lalo na kami na nakatira sa kabilang dako ng lugar. May tulay pero kailangan pang lumakad ng milya para makarating sa naturang tulay at doon dadaan. May mga lamang tubig na pwedeng kainin ang makukuha dito, iilan sa mga pwedeng kainin na makukuha dito sa ilog ay ang hipon, alimasag, suso at isda.

IMG20221019154007.jpg

Habang nasa kalagitnaan ako ng aking paglalakbay ay nakita ko itong kabayo. Dati kasi, ang lugar ay pinapastulan ng mga hayop gaya ng baka, kabayo, kambing at marami pang iba. Pero unti-unti na itong nawala sa nagdaang panahon, may mga nagpapakain ng mga hayop ditp pero mangilan-ngilan nalang. Magandang pastolan ng mga hayop dito sa lugar, maraming mga damo at malawak ang lugar na pagpapastolan.

images(2).jpg

Tunay na nakakangha ang ganda ng kalikasan kapag mapanatili ang kagandahan at kaayusan nito. Sana mananatili pa rin ang kagandahan ng lugar ng aming Lungsod.
Bago ko tatapusin ay nais kong imbitahan sina ate @jurich60, ate @amayphin at @jessmcwhite. Ang 25% ng payout mula sa post kong ito ay ibabahagi ko sa @null.

IMG_20220922_191546.jpg

Sort:  
 2 years ago 

Peaceful at green na green ang paligid.

Evaluation date : October 19, 2022

DetailsRemarks
#steemexclusive
atleast #club5050
Plagiarism Free
Bot-Free
At least 300 Words
Burnsteem25
Verified Member/Visitor

We are also inviting you to join our on going community contest.

Christmas Carols - Here is the contest post link..

Refer a Friend to join Steemit and get rewards - read the details here.

 2 years ago 

Thank for the evaluation po. 😊

Congratulations, your post has been upvoted by @dsc-r2cornell, which is the curating account for @R2cornell's Discord Community.

Manually curated by @jasonmunapasee

r2cornell_curation_banner.png

 2 years ago 

Thank you very much.

 2 years ago 

Hi @manticao!

This post has been chosen to be recommended for the @booming support program.

Thank you for creating quality content in the Steemit Philippines Community.

Visayas Moderator,

@me2selah

 2 years ago 

Thank you very much.. 😊😊

 2 years ago 

TEAM 5 CURATORS

This post has been upvoted through steemcurator08. We support quality posts anywhere and any tags.
Curated by : @frafiomatale

 2 years ago 

Thank you very much.

Coin Marketplace

STEEM 0.27
TRX 0.11
JST 0.031
BTC 67831.12
ETH 3801.93
USDT 1.00
SBD 3.75