Burnsteem25|| Diary Game Season 3|| October 25, 2022|| "Free Check-Up and Animal Vaccination Day"

in Steemit Philippines2 years ago

IMG_20221025_181008.jpg

Edited By: Canva Application

Isang mapagpalang gabi sa ating lahat mga ka-steemians..

Kahapon ay isinisagawa ang isang malaking programa dito sa aming lungsod at ito ay ang free check-up at animal vaccination activities. Ito ang malaking programa na isinagawa ng Lokal na pamahalaan sa tulong ng aming Gobernador at Congressman. Dahil sa nasabing programa ay kaagad nalaman ng mga residente dito sa lungsod ng Manticao ang mga magagandang aktibidades na tyak makakatulong sa kanila.

IMG20221024101913.jpg

Maraming mga bisita ang dumalo sa nasabing programa, isa na dito ang aming Gobernador at Congressman. Sila ang nasa likod nitong malaking tulong para sa mga tao. Yung mga tao na nakatira pa sa malalayong parte ng manticao ay dumating ng maaga dahila anila, mas maganda daw na maaga sila darating para hindi sila mahuli sa libreng konsultasyon. Ang mga konsultasyon na isinasagawa ay para sa mga may minor na karamdaman lamang gaya ng ubo, sipon, lagnat, at may libreng gamot para sa lahat ng mga komunsulta.

IMG20221024101955.jpg

Sa labas naman ng gymnasium ay makikuta ang mga hayop gaya ng pusa at mga aso na nakahiga sa isang trapal. Dito kasi isinasagawa ang libreng bakuna para sa mga anti-rabbies. Napakahalaga nito dahil para hindi manganganib ang buhay ng taong makagat ng pusa o di kaya ay aso. Naaawa ako sa mga mga hayop na walang malay dahil sa itinurok sa kanila pero napakahalaga din ito para sa kanila. Inalalayan din ng mga nagmamay-ari ng mga hayop ang kanilang mga alaga para madaling manumbalik ang kasiglahan ng mga aso at pusa na bagong bakuna.

IMG20221024102024.jpg

Katuwang ng lokal na pamahalaan ang Department of Health na siyang nangunguna sa pag-aasekaso ng libreng konsultasyon at bakuna para sa mga hayop. Layunin ng departamento na maging ligtas ang mga taong may inaalagaang hayop gaya ng aso at pusa. Dagdag dito ang hindi makakapinsala o makakasira buhay ng tao kapag nakagat man ito.

IMG20221024101858.jpg

May libre ding pananghalian kahapon dito sa lungsod kaya hindi talaga magutom ang mga taong dumalo para magpakonsulta o di kaya ay magpabakuna sa kanilang hayop. Masayang-masaya naman ang lahat dahil nabigyan sila ng pagkain pananghalian. Maayos ang kanilang serbisyo at pag-aasists sa mga tao. May mga para sa mga senior citizens at mga buntis, may sa mga bata at pwd para sa kanilang konsultasyon.

Nagpapasalamat naman ang Aming Gobernador at Congressman sa walang pagsuporta sa kanila at lubos naman naming ikinatuwa ang kanilang adhikain at programa para sa lahat.

IMG20221024104148.jpg

Dahil sa ganda din ng aming parke ay maraming mga bata at mga dayong tao na nagmula pa sa malalayong lugar ang pumupunta dito para mamasyal at magpapicture sa naturang lugar. Isa na dito ay ang malaking pangalan ng Manticao na nakatayo malapit sa reboltu ni Andress Bonifacio. Aliw na aliw ang mga bata dahil sa kanilang paglalaro dito sa lugar.

images(2).jpg

Napakalaking tulong para sa aming lahat dito sa lungsod ang pagsasagawa ng programa kahapon. Nagpapakita ito na hindi talaga kinalimutan ang mga pangako nila, ang maginhawa at ang pagtulong para sa kapwa mamayang Pilipino.
Bago ko tatapusin ang talaarawan ko para sa gabing ito ay nais kong imbitahan sina ate @jurich60, @jessmcwhite at @aehryanglee, at ang 25% na payout mula sa post kong ito ay ibabahagi ko sa @null.

IMG_20220922_191546.jpg

Sort:  
 2 years ago 

Galing naman ng programa ng gobyerno dyan sa inyo may free lunch pa.

 2 years ago 

magandang program ito ng inyong local government.

 2 years ago 

Opo ate..

 2 years ago 

Opo ate..

Congratulations, your post has been upvoted by @dsc-r2cornell, which is the curating account for @R2cornell's Discord Community.

Manually curated by @jasonmunapasee

r2cornell_curation_banner.png

 2 years ago 

Thank you very much..

 2 years ago 

nice jud inyo park diha bro..inatiman jud ba

 2 years ago 

Yes ate.. 😊😊

I really like your post. I love your writings. Wish you all the best.

 2 years ago 

Thank you very much..

 2 years ago 
Your post has been successfully curated by our Team 5 via @chant at 30%.

ezgif.com-gif-maker.gif

 2 years ago 

Thank you very much.

Coin Marketplace

STEEM 0.28
TRX 0.12
JST 0.032
BTC 67851.31
ETH 3815.63
USDT 1.00
SBD 3.77