Pasasalamat sa May Kapal!

Magandang buhay mga ka Steemit. Ito ang aking unang pagkakataon na makapag bahagi ng aking blog para sa inyo. Nais kong ipakita sa inyo ang aking magagandang larawan na kinuha sa lugar ng Marilao Bulacan at ang panibagong pag-asa na aking naramdaman habang nag dadasal sa lugar na iyon.

Isang hapon ng Linggo, kami ng aking pamilya ay nagpunta sa National Shrine and Parish of Divine Mercy upang mag simba. Napaka ganda ng lugar na iyon na mula sa aming tahanan ay may isa at kalahating oras ang pag byahe. Ang simbahan na iyon ay napakalawak at napaka maaliwas.

FFE6AF26-0A28-4EC1-A099-0A6E9EA87741.jpeg

095BB9A6-7ABD-4E10-A478-4B99E67979B2.jpeg

D9815313-9F67-4242-B091-A1540F4C4A3F.jpeg

3D86C5BB-7032-4621-9030-55CA50EEA646.jpeg

Ako ay mapalad na naka pakinig ng misa ng isang oras. Napaka ganda ng mensahe ng pari. Tunay ngang kapag tayo’y nakakasimba, lahat ng ating mga takot at pangamba ay nawawala at napapalitan ito ng pag-asa, pagmamahal na tanging ang Dyos lamang ang makakapag bigay.

E8D3A9C8-82A5-4D47-A7C0-BEB346603DB5.jpeg

66F36532-A2E4-4F79-A0E5-6F2E97D04AD8.jpeg

38D2B4D4-2E91-4EEC-9DA4-5FF65B840B92.jpeg

0EE691A4-6B8B-41F3-B4E9-13B25C67B91A.jpeg

Pasasalamat ang aking unang nabanggit. Maraming dapat ipag pasalamat lalo’t higit sa panahon ngayon. Ang makita lang natin na tayo ay nagigising sa bawat araw ay isa ng napaka laking biyaya mula sa May Kapal. Ang magkaroon ng malusog na pangangatawan ang aking pamilya at ang aking anak ay isang bagay na aking samut dalangin. Salamat sa pag gabay at pagpapalakas ng katawan. Salamat sa lahat ng pagliligtas sa anumang kapahamakan.

DADBDCC1-2F18-45B1-99DE-56B218412614.jpeg

65CDA16D-A7DA-4DB2-81D5-31CA5C8FBD2C.jpeg

76D40AE5-A670-4FB7-9E73-48D7EBFA6EFF.jpeg

Sa likod ng simbahan ay may malawak na kapaligiran. Ang sarap muling makita na maging malaya muli ang mga bata at muli nilang matunghayan ang maganda at nakakabighaning tanawin. Ngunit sa panahon na may balakit at panganib, kailangan na munang mag tiis upang mas maging ligtas ang mga bata. Matapos ang isang oras na pag dadasal, kami ay muling bumalik ng bahay na may magaan na pakiramdam at panibagong pag-asa.

3B3B13DB-661A-4A67-B992-3D56C638DC56.jpeg

Salamat sa lahat ng bumasa. Wag sana tayong mawawalan ng pag-asa na magiging maayos din ang lahat. Magtiwala lang tayo sa maykapal.

Sort:  
 3 years ago 

You've got a free upvote from witness fuli.
Peace & Love!

Thank you so much!

 3 years ago 

Please Verify yourself in the community. Just follow this simple verification process.

https://steemit.com/hive-169461/@loloy2020/steemit-philippines-community-s-new-verification-process-07-20-2021

Coin Marketplace

STEEM 0.25
TRX 0.11
JST 0.029
BTC 69242.69
ETH 3691.10
USDT 1.00
SBD 3.41