PNM

in #letting6 years ago (edited)

Kahit na.
Kahit na hindi ka nila gusto.
Kahit na hindi ikaw ang pinakamagandang nilalang sa mundo.
Kahit na ang layo mo sa taas ko.
Nagkasya ka naman sa puso ko.
Kahit na lumolobo ka pa.
Pipiliin ko pa ring hawakan yang bilbil mo.
Kahit na ang dungis ng balbas mo.
Ikaw pa rin ang nagpapasaya sa umaga ko.
Kahit na wala tayong matinong usapan.
Kasi puro tayo kalokohan.
At sa lapad ng noo mo.
Nakita ko ang kagandahan ng mundo sa mata mo.
Ikaw pa rin ang pinili ko.
Pinili ko dahil nakita ko ang puso mo.
Sa lawak ng pag iintindi mo.
Kinulayan mo ang paligid ko.
Naintindihan ko na magmamahal ka ng tunay.
Pag mas pinili mong tignan ang hindi nakikita ng ibang tao.
Pinili kita sa kabila ng lahat.
Kahit pa sinabe ko pa na titigilan ko na.
Pinili kita pero.
Paalam na muna.
IMG_20180722_143051_607.jpg

Coin Marketplace

STEEM 0.25
TRX 0.11
JST 0.029
BTC 69302.00
ETH 3683.40
USDT 1.00
SBD 3.34