Tayo

in #lettinggo6 years ago

Mas pinili kong tumakbo papalayo
Dahil alam ko sa puso mo hindi ako ang nararapat para sayo
Mas pinili kong humakbang papalayo
Kahit na ang bigat sa puso ko
Mamahalin ka na lang sa malayo
Susulyapan ang mga ngiti mo
Magtatago na lang sa likod ng anino mo
Dahil malaya kitang mamasdan ng hindi kita nagugulo
Hanggan kailan ba tayo mag kakaganito?
Nagtataguan ng nararamdaman para sayo
Nalilito sa pinakikita mo
Aasa pa ba ako?
O mas pipiliin na lang palayain ang nararamdaman ko
Pagbilang ko ng isa, dalawa, tatlo
Maglalaho na ako.
IMG20180621172823.jpg

Coin Marketplace

STEEM 0.33
TRX 0.11
JST 0.031
BTC 67576.09
ETH 3762.34
USDT 1.00
SBD 3.72