Php730M Ultra Lotto 6/58, Tataya Ka Ba?

in #life6 years ago

Php 734,038,468 na ang premyo sa PCSO Ultra Lotto 6/58. Tataya ka ba?


IMG_20180928_105406_188.jpg

Madalas maging biruan yan, basta manalo ako sa lotto sagot ko lahat yan!, o kaya, mabibili natin yang bahay na yan pag nanalo ako sa lotto.

Hinala ko marami sa mga nagsasabi nyan e hindi naman talaga tumataya sa lotto.

Sabi kasi 1 in 40 million lang ang tyansa mo sa pagkapanalo, mas posible pa na tamaan ka ng kidlat kesa mapanalunan ito.

Pero ako, itong mga nakaraang apat na draw e bumili na ng tiket. Hahaha, naengganyo ako sa laki ng papremyo e.

Kasi naman, 1/40, 000, 000 is better than no chance at all. Kahit ipagdasal ng ipagdasal kay Papa God na manalo sa lotto, kung di naman nataya, wala rin.

So ano na nga ba ang mga napag-alaman ko sa Ultra Lotto 6/58 ng PCSO?

  1. Madami palang lotto. Yung iba 6/55 ganyan. Basta iba iba. Ang Ultra Lotto ang pinakamahirap kasi 58 numero ang pagpipilian.

  2. 24-piso ang isang lotto tiket.

  3. Pwedeng piliin mo ang anim na numero okaya ay sabihin mo na gusto mo ng lucky pick na tiket. System-generated ang numbers na lalabas.

  4. Tuwing Martes, Biyernes at Linggo 9:00pm ang draw ng lotto. Sa PTV 4 ito pinapalabas pero may mga website din na nagpa-publish ng resulta.

Ang isang narealize ko sa pagtaya ng lotto, basta bumili ka ng tiket, kahit na alam mong napakaliit lang ng tyantsa mong manalo, may certain excitement ka sa pagabang sa draw. Umaasa ba ng very very light.

Tas malulungkot ng kaunti pag di nanalo. Tas repeat cycle sa next draw.

Php 734,038,468 na ang papremyo sa Ultra Lotto. Pag nanalo ka nito isa lang ang ibig sabihin- nakatadhana ito sayo at lubos lunos ang pagpapalang natanggap mo.

Ang sakin, basta siya na nakatadhana sa akin ay nandiyan lamang palagi, ako'y nanalo na.

Chos.


Follow @bayanihan to view the work of exceptional PH talents!

Visit @sndbox page and learn about the amazing incubator for creatives and communities.

If you would like to support initiatives on community building and enrichment, kindly check out @steemph, @steemph.cebu, @steemph.manila, @steemph.iligan, @steemph.bulacan, @steemph.davao @steemph.antipolo and @steemph.uae.



dreamiely_new.png

Sort:  

Pano mo malalaman kung sino ang nakatadhana sa yo aber? Kc they come and go!
Kamakamakamelion.

Coin Marketplace

STEEM 0.28
TRX 0.12
JST 0.033
BTC 61473.25
ETH 2969.27
USDT 1.00
SBD 3.48