Ikaw at ako walang pinagkaiba, kanya kanyang diskarte lang..mind your own, i'll mind mine!

in #life6 years ago (edited)

Lahat tayo may sariling pagkakamali, lahat tayo may sariling desisyon at may sariling kwento. Ito ay dahil lahat tayo ay may sariling buhay..Kadalasan may mga kwento na mali ang storya at may mga pangyayari na mali sa paningin ng iba.. Minsan may mga matang mapanghusga at bibig na may matatalim na dila. Lahat ikaw yung tinutukan at ang iyong kamalian ang lagi nilang inaabangan..Na sa bawat pagkakamali mo sila ay nasisiyahan at nagtatawanan..

Screenshot_20180711_194340.png
image source

Ganyan ang pangyayari ngaun sa ating kapaligiran, ang magpuna ng mali ng iba, mag abang ng kwento nila at gumawa ng sarili istorya..Minsan napapaisip ako, kung may buhay ako, meron ka rin wala tayong pinagkaiba, depende na lang kung maganda ka kesa sa akin at ako nakatuon sa kung anu ung akin samantalang ikaw binabantayan kung anu ang akin..May kwento ka ganun din ako, may pagkakamali ka, ganun din ako dahil pareho tayong tao at hindi tayo perpekto. Matuto kang bigyan ng direksyon ang iyong buhay hindi yung direkston ng iba ang iyong pinagtutuunan. Isipin mo lahat tayo pantay pantay may umaangat lang dahil marunong silang tumanggap sa kanilang kamalian, marunong bumangon, at tumingin sa kanilang pinanggalingan. Nagagalit ka sa gobyerno dahil ikaw ay naghihirap..Nagagalit ka sa Diyos dahil sa buhay mo na walang magandang kaganap. Nagagalit ka sa mga taong nasa paligid mo dahil lahat sila umasenso habang ikaw ay napag iiwanan ng mundo. Hindi pa huli ang lahat para magbago, alisin mo lang ang galit at inggit sa iyong puso para maramdaman mo ang totoong saya na hatid ng buhay. Lahat tayo my kwento, ayusin mo lang ang saiyo, wag pansinin ang sinasabi ng ibang tao ng makita mo ang ganda ng buhay mo.

 Kimmy vra Delincoln
Sort:  

Congratulations @lynbabe10! You have completed the following achievement on Steemit and have been rewarded with new badge(s) :

Award for the number of upvotes received

Click on the badge to view your Board of Honor.
If you no longer want to receive notifications, reply to this comment with the word STOP

To support your work, I also upvoted your post!

Do not miss the last post from @steemitboard:
SteemitBoard World Cup Contest - Semi Finals - Day 1


Participate in the SteemitBoard World Cup Contest!
Collect World Cup badges and win free SBD
Support the Gold Sponsors of the contest: @good-karma and @lukestokes


Do you like SteemitBoard's project? Then Vote for its witness and get one more award!

Coin Marketplace

STEEM 0.29
TRX 0.12
JST 0.033
BTC 63381.65
ETH 3169.65
USDT 1.00
SBD 3.85