Hanggang Sa Muli...

in #life6 years ago (edited)

Saan nga ba napupunta ang tao kapag pumanaw? Totoo kaya yung sinasabi nila na kapag nagpakabait tayo habang tayo'y nabubuhay ay maganda ang kahihinatnan natin sa kabilang buhay? At kung hindi naman ay kabaligtaran nito ang kapupuntahan natin. Pero totoo nga kaya ang konsepto ng kabilang buhay?

Madalas kong natatanong ang mga ito kapag may nababalitaan akong pumanaw. Habang tayo ay nabubuhay, gusto natin siguraduhin na maayos ang kalagayan ng ating mga mahal sa buhay. Pero paano kapag isang taong malapit sa puso mo ang namaalam? Hindi ba't napakahirap isipin kung ano na nga ba ang totoo nilang kalagayan? Ang paglisan ba nila sa mundo ng mga nabubuhay ay nangangahulugan talaga ng katapusan nila? O totoo bang hangga't naaalala natin sila ay nariyan lang sila? Pero saan yung nariyan?

Wala na kasi eh. Hindi mo na siya makakakuwentuhan. O makakasabay magkape sa umaga. O makakatawanan at kulitan. Hindi ka na maiinis sa kaniya kapag iniinis ka niya. Hindi mo na rin siya makakaagawan sa internet connection. Huling laba mo na pala ng mga damit na ginamit niya. Huling tanong mo na pala iyon sa kaniya kung uminom na ba siya ng gamot. Huling pagsaway mo na pala na kumain siya ng pagkain na bawal sa kanya.

Pagkatapos ng huling buga niya ng hangin mula sa baga niya, kasama na nun yung mga pinagsaluhan niyong alaala. Ano kaya ang huling alaala niya sa iyo?

May nagsasabi na hindi dapat nalulungkot kapag may mahal ka sa buhay na namatay. Dahil sabi ay nasa mas maganda na silang kalagayan. Pero sa mga katanungang nabanggit ko, hindi ko maiwasan na malungkot.

Kasi alam ko wala na talaga. Kahit hindi pa rin ako makapaniawala at may parte sa puso ko na nananalangin na sana ay pinag-trip-an lang kami ng nagbalita. Hindi ko siya totoong tatay at naging magkamaganak lamang kami dahil tatay siya ng asawa ko. Pero kahit ganoon, hindi siya naging maramot sa mga pangaral at paalaala sa akin. Makulit at matigas ang ulo niya minsan dala siguro ng edad niya pero kitang kita ko ang pagmamahal niya sa apo niya.

Miss ko na ang weekend coffee sessions natin Daddy. Pati ang pagkalinamnam mong luto ng pork asado. Malaking kawalan ka sa mga hurado ng mga luto sa Kusina ni Nanay Romeskie.

Hindi ako sigurado kung ano man ang kalagayan mo ngayon. Pero mas gusto ko na lang isipin na kahit papaano ay wala na yung sakit sa likod. O yung hirap mo sa paglalakad. O yung hika mo. O yung panlalabo ng mata mo. O yung pananakit ng ulo mo. Sana ay mainam ang kalagayan mo.

Bantayan mo pa rin kami ng apo mo ha. Ipagpapatuloy ko ang pag-mamakulit sa anak mo. At susubukan kong gayahin ang pork asado mo.

Para sa isa sa mga pinakamabait na biyenan sa buong mundo. Wala nang sakit. Wala nang dusa. Hanggang sa muli Daddy Ric. Mami-miss ka namin.

FB_IMG_1531561673333.jpg

Para sa alaala ng aking biyenan na ngayon ay namaalam na. Salamat sa maiksing panahon na ibinahagi mo sa amin.


Maraming salamat sa pagbabasa! Gusto ko sana munang sarilinin ang mararamdaman ko pero hindi ko maiwasang magsulat kapag nalulungkot. Pagpasensiyahan niyo na po.


QmTbmcA6YxRqpDvTuGs3Vt3CDkjvdJoNZwB4CxeGZEZeEA.jpeg

romeskie.png

Sort:  

Andito lang ako. Hugs.

Hanggang sa muli daddy Ric :( Palagi naman maaalala ni Romeline ang mga masasayang bagay na magkasama kayo. RIP po.

Congratulations @romeskie! You have completed the following achievement on Steemit and have been rewarded with new badge(s) :

Award for the total payout received
Award for the number of upvotes received

Click on the badge to view your Board of Honor.
If you no longer want to receive notifications, reply to this comment with the word STOP

Do not miss the last post from @steemitboard:
SteemitBoard World Cup Contest - Final results coming soon

Do you like SteemitBoard's project? Then Vote for its witness and get one more award!

Coin Marketplace

STEEM 0.30
TRX 0.12
JST 0.033
BTC 64386.10
ETH 3142.17
USDT 1.00
SBD 3.98