PirasosteemCreated with Sketch.

image

Paano nga ba muling sisimulan?
Kung ang nasa puso'y katapusan?
Mga basag na piraso ng aking katauhan,
Mayroon pa bang pahahantungan?

Poot, galit at hinagpos
Ang sa aki'y nakagapos
Ako'y napatanong, kailan ito matatapos?

May solusyon pa ba?
Solusyon sa boses na nagsasabing itigil na
Itong buhay na patuloy na sinisinta
Buhay na di kailanman sasaya't makakaramdam ng tuwa
Tuwang sa una pa lang ay malabo na
Malabo, tulad ng aking pagkatao't mga luha

Ganito ba talaga kadugas ang buhay?
Sa aki'y malungkot, sa inyo'y hayahay?
Sa aki'y madalim, sa inyo'y makulay?
Saki'y walang halaga, sa inyo'y puno ng saysay?

Sinubukan kong pulutin, mga piraso ng aking katauhan
Ngunit patuloy na naglaho, mga bagay sa aking paningin
Dumilim ang buong kalangitan
Umihip ang napakalakas na hangin
Kasabay ang pag patak ng ulan
Ay ang pagpula ng tubig sa mga daan

Coin Marketplace

STEEM 0.28
TRX 0.13
JST 0.032
BTC 65999.51
ETH 3019.75
USDT 1.00
SBD 3.71