Bitter No More: Ikalawang Bahagi

in #literaturang-filipino6 years ago (edited)

Bitter No More.PNG

BITTER NO MORE

sa panulat ni @jemzem


Ikalawang Bahagi.PNG

Ang nakaraan...

Pinahiran niya ang kaniyang luha at muling humarap sa fast food chain na kinaroroonan ni Jade. Dire-diretso siyang pumasok sa loob at biglang umupo sa bakanteng upuan sa mesang kinakainan ng kaniyang nobyo at ng kasama nito.

Nagulat ang dalawa sa pagsulpot niya, ngunit binigyan lang niya ng sarkastikong ngiti ang dalawa.

Humarap siya kay Jade at tinitigan ito sa mata.

"Hi, Babe!" Diniin niya ang pagkakasabi sa tawagan nilang dalawa nang batiin niya ito.
Napaismid naman siya nang makitang mas nagulat pa ang babae sa narinig nito mula sa kaniya. "Hindi mo ba ako ipakikilala sa kasama mo?" sarkastiko niyang tanong sa nobyo.

Hindi nakapagsalita si Jade at tumingin lang ito sa kasama na halatang nadismaya.

"Bakit hindi ka makapagsalita?" Tinaasan niya ng kilay si Jade. "Okay, I'll introduce myself to her na lang."
Humarap siya sa babae at sarkastikong ngumiti bago nagsalita, "Hi! I'm Anchelle, Jade's girlfriend. And you?"

Napakunot-noo ang babae at magsasalita sana nang unahan ito ni Jade.

"What are you doing, Anchelle? Why are you here?" Hinawakan nito nang mahigpit ang braso niya kaya napangiwi siya.

"Bakit? Sino ba siya? Bakit parang pinapalabas mo na iniistorbo ko kayo?" Inalis niya ang kamay ng nobyo na nakahawak sa kaniyang braso at pinilit na kontrolin ang sarili na hindi makagawa ng eskandalo.

"She's Ellen, and she's my new girlfriend," sagot ni Jade habang hinahawakan ang kamay ng kasama nitong babae.

Nawindang naman si Anchelle sa rebelasyon ng nobyo. Matagal na hindi naproseso ng utak niya ang sinabi nito. At nang unti-unting pumasok sa utak niya ang sinabi nito ay kusang umangat ang kamay niya at sinampal ang mukha ng nobyo.

Nagsitinginan sa kanila ang mga tao sa loob ng kainan kaya bigla siyang tumakbo palabas sa lugar na iyon. Muling kumawala ang luha sa mga mata niya habang tumatakbo palayo. Hindi siya makapaniwalang sasabihin ni Jade sa harap niya ang pagtataksil nito sa kaniya. Parang paulit-ulit na tinutusok ng patalim ang puso niya sa sobrang sakit. Hindi niya alam kung ano ang gagawin at kung saan pupunta. Hindi makapag-isip nang matino ang utak niya dahil sa nangyari.

"Anchelle!" May biglang humawak sa braso niya kaya napatigil siya sa paglalakad. "I'm sorry," malungkot na saad nito.

Hindi niya ito hinarap at patuloy lang siya sa pag-iyak.

Inialis niya ang kamay nito sa kaniyang braso at nagpatuloy sa paglalakad na may mabigat na loob.

"Anchelle, patawarin mo ako. Hindi ko sinasadyang…."

Hindi na niya pinatapos ang binata sa sasabihin nito at pinutol ang pagsasalita nito, "Tama na, Jade!" Hinarap niya ang nobyo at sinumbatan ito, "Bakit, Jade? Anong pagkukulang ko?" Hindi na niya napigilan ang sarili at napahagulgol na siya sa pag-iyak.

Lumapit si Jade sa kaniya at niyakap siya. "Hindi ka nagkulang, Anchelle," bulong nito sa kaniya.

"Bakit ipinagpalit mo ako? Gusto kong malaman kung bakit!" galit niyang tanong kay Jade.

Hindi sumagot si Jade at niyakap lang siya nito nang mas mahigpit.

Pero itinulak niya palayo ang taksil na nobyo at muling nagtanong, "Sabihin mo ang dahilan! I deserve to know your reason and the truth. Bakit mo ako niloko?"

Umiwas ng tingin si Jade at nanatiling tahimik. Marahil ay ayaw nitong saktan pa si Anchelle kaya pinili na lang nitong hindi magsalita.

"Hindi mo na ba ako mahal, Babe? Mahigit tatlong taon ang pinagsamahan natin. Hindi ba ako naging mahalaga sa 'yo? Bakit naghanap ka pa ng iba? Hindi ba pwedeng ako na lang?" pagsusumamo niya rito.

"I'm sorry, Anchelle," muli nitong paghingi ng patawad.

"Patatawarin kita at kakalimutan ko ang ginawa mo. Sabihin mo lang sa 'kin na mahal mo pa ako." Hinawakan niya ang kamay ni Jade at nagmakaawa sa harap nito. Kung puwede ay luluhod na rin siya sa harapan ng nobyo.

"Sorry talaga, Anchelle.” Yumuko ito at umiwas ng tingin sa kaniya. “Pero wala na akong feelings sa 'yo." Matapos nitong sabihin iyon ay tinalikuran nito si Anchelle at iniwang luhaan.

Hindi makagalaw sa kinatatayuan si Anchelle habang sinusundan ng tingin ang papalayong nobyo. Halo-halong emosyon ang nararamdaman niya, ngunit mas nanaig pa rin ang sobrang sakit ng puso niya.

Itutuloy...


Ito po ang mga naunang bahagi ng ating kuwento:

Bitter No More: Panimulang Bahagi
Bitter No More: Unang Bahagi

Araw-araw po ang schedule ko sa pagpo-post ng karugtong ng kwentong ito kaya antabayanan na lang ang susunod na pangyayari bukas.

At para sa inyong mga komento at kuro-kuro, 'wag mag-atubiling ilagay ito sa comment box sa ibaba. Ako po'y labis na magagalak na mabasa ang komentong magmumula sa inyo. :D

Maraming salamat sa pagbabasa! :)


pinagkunan ng larawan:1, 2

7.png

Maging bahagi sa pagpapalaganap ng wikang Filipino. Ikaw ba ay manunulat ng tula o maikling kuwento? O kaya ay nais malinang ang talento sa pagsusulat? Sumali sa mga patimpalak. I-follow ang @tagalogtrail para sa mga akdang Filipino at sumali rin sa aming talakayan sa discord: Tropa ni Toto

new banner.gif

jemzem banner.gif

Sort:  

Narito po ang link sa lahat ng bahagi ng Bitter No More: Thank you!

Kapag ako ang naka-huli kay Jade sa mismong upuan na iyon silang dalawa todas na iyan. Kill ika nga. mahirap kasi magsalita sa internet baka kasi sabihin keyboard warrior. Makire itong si Ellen alam naman niya na syota na si Jade pinatos parin. Ipakulam sana sa susunod ni Anchelle hehe.

Ang sakit sakit!! Ang kapal ng mukha ng Jade na yan! Humanda sa kin yan dahil pag nakita ko yan, pupunuin ko ng frenchfries ang bibig nyan!! Taksil!!!

Tara! Sugurin natin si Jade mam @romeskie! Pinaiyak niya ang bida natin. Hehhehehe.
Natutuwa ako ako't sumunod ka rito mam. Maraming salamat! :D

Congratulations! This post has been upvoted by the communal account, @steemph.cebu by jemzem being run at Teenvestors Cebu (Road to Financial Freedom Channel). This service is exclusive to Steemians following the Steemph.cebu trail at Steemauto. Thank you for following Steemph.cebu curation trail!

Don't forget to join Steem PH Discord Server, our Discord Server for Philippines.

Coin Marketplace

STEEM 0.27
TRX 0.11
JST 0.030
BTC 68903.51
ETH 3762.67
USDT 1.00
SBD 3.43