TAGALOG WRITING TIP #1: TAMANG PAGGAMIT NG GITLING

in #literaturang-filipino6 years ago (edited)

TIP1.PNG
Ako’y naudyok na magsulat nito upang makatulong na rin na maitama ang madalas na pagkakamali ng iilan sa pagsusulat gamit ang wikang Tagalog. Salamat kay boss @twotripleow na siyang nagsimula sa pag-post ng wastong paggamit ng ilan sa mga salita gaya na lamang ng NG at NANG, atbp.

Bagama’t hindi ako isang batikang manunulat, hayaan n’yo po akong ibahagi ang aking mga natutunan sa aking limang taong pagsusulat gamit ang wikang Tagalog.

Sa ngayon, una ko munang ipo-post ang wastong paggamit ng gitling o hyphen sa Ingles.

Wastong paggamit ng gitling (hyphen)


  • Ginagamit ang gitling kapag umuulit ang salitang-ugat o ang mahigit sa isang pantig ng salitang-ugat.

Halimbawa: hawak-hawak, paulit-ulit, dahan-dahan

  • Ginagamit ang gitling kung ang unlapi ay nagtatapos sa katinig (consonant) at ang salitang nilalapian ay nagsisimula sa patinig (vowel) na nagkakaroon ng ibang kahulugan kapag hindi ginigitlingan dahil na rin sa pagkakabigkas.

Halimbawa: may-ari, nag-angat, pinag-uusapan
Sa unang halimbawa, iba ang magiging kahulugan ng may-ari kapag walang gitling. Iba ang may-ari sa mayari.

Paalala:

Huwag maglagay ng gitling kapag ang unlapi ay nagtatapos sa katinig (consonant) at ang salitang nilalapian ay nagsisimula rin sa katinig (consonant).

Mali: Bahala kang mag-laway!
Tama: Bahala kang maglaway!
Mali: Tayo nang mag-sulat.
Tama: Tayo nang magsulat.

  • Ginagamit ang gitling kapag ang panlapi ay dinudugtungan ng salitang Ingles.

Halimbawa: na-realize, mag-set, nag-jogging

  • Ginagamit ang gitling kapag ang tanging ngalan ng lugar, tao, simbolo, brand o tatak ng isang bagay o kagamitan ay may unlapi.

Halimbawa: taga-Cebu, maka-Duterte, nag-Downy

  • Ginagamit ang gitling kapag ang dalawang salita ay pinagsama at ang katagang nasa pagitan nito ay nawawala.

Halimbawa: away-bati (away at bati), bahay-ampunan (bahay na ampunan)

  • Ginagamit ang gitling kapag ang panlaping ika- ay iniunlapi sa numero

Halimbawa: ika-100 na anibersaryo, ika-25 na araw


Kung may maidaragdag pa kayo kung kailan puwedeng gamitin ang gitling, maaari po kayong magbigay ng komento para makatulong din sa iba.

Magpo-post din po ako tungkol sa tamang paggamit ng iba pang bantas, baybay, dialogue/action tags, at wastong salita na kadalasang namamali ng paggamit. Magpo-post agad ako kapag ang oras ko ay medyo maluwag-luwag na.

Kung may katanungan po kayo, mag-iwan lang po ng komento at ito’y aking sasagutin.

Maraming salamat at mabuhay ang wikang Tagalog!

pinagkunan ng larawan:1

a.png

Maging bahagi sa pagpapalaganap ng wikang Filipino. Ikaw ba ay manunulat ng tula o maikling kuwento? O kaya ay nais malinang ang talento sa pagsusulat? Sumali sa mga patimpalak. I-follow ang @tagalogtrail para sa mga akdang Filipino at sumali rin sa aming talakayan sa discord: Tropa ni Toto

new banner.gif

jemzem banner.gif

Sort:  

Walang ari si Jampol nyahahaha.

Bahala ka maglaway kay Min-Min nyahahaha.

Congratulations! This post has been upvoted from the communal account, @minnowsupport, by jemzem from the Minnow Support Project. It's a witness project run by aggroed, ausbitbank, teamsteem, theprophet0, someguy123, neoxian, followbtcnews, and netuoso. The goal is to help Steemit grow by supporting Minnows. Please find us at the Peace, Abundance, and Liberty Network (PALnet) Discord Channel. It's a completely public and open space to all members of the Steemit community who voluntarily choose to be there.

If you would like to delegate to the Minnow Support Project you can do so by clicking on the following links: 50SP, 100SP, 250SP, 500SP, 1000SP, 5000SP.
Be sure to leave at least 50SP undelegated on your account.


Ibinahagi ang lathalang ito sa #pilipinas channel para sa mga curator ng Curation Collective Discord Community, binigyan ng upvote at ni-resteem ng @c-squared na account pagkatapos ng manu-manong pagsusuri.
This post was shared in the #pilipinas channel in the Curation Collective Discord community for curators, and upvoted and resteemed by the @c-squared community account after manual review.

Hwaw. Haha. Actually gumawa ako ng blog dati abt gamit ng 'ng at nang' pero of course d nmn ako expert s Pinoy grammar. Nag-research lang ako saka ako nagpost some yrs ago.

Dpat tlga kasi may mga gaya nyo n nagsusulat ng ganito. So salamat s pagsusulat ng series n yan. In fairness gusto ko sumali dati s KWF kaso need ata civil service chenelyn. Huhu.

Coin Marketplace

STEEM 0.29
TRX 0.13
JST 0.033
BTC 63133.02
ETH 3043.69
USDT 1.00
SBD 3.63