Tagalog Serye: Huling Bahagi ng Ika Unang Pangkat ||Si Pepe at Ang Mundo ng Earthia

in #literaturang-filipino6 years ago (edited)

Bago niyo po simulang basahin ang huling bahagi ng tagalogseryeng ito, ipagdasal muna natin ang mga reputasyon ng mga naging bahagi ng serye at umasang mabibigyan pa sila ng pagkakataong bawiin ang nasirang reputasyon. Nawa ay nabasa ninyo ang mga naunang bahagi upang lubos na maunawaan ang mga pangyayari. Enjoy!

Unang bahagi na isinulat ni @tpkidkai
Pangalawang bahagi na isinulat ni @romeskie
Pangatlong bahagi na isinulat ni @cheche016
Ika-apat na bahagi na isinulat ni @oscargabat
Ikalimang bahagi na isinulat ni @johnpd
Ikaanim na bahagi na isinulat ni @julie26

Ang Nakaraan

Naririnig nila Prinsesa Fey ang galit na galit na Si Evil Hero Pepe.

Kailangan natin ng isang taong makapangyarihan na makakatulong sa atin! Wala na tayong pag-asa kay Pepe dahil naging isa na sila Ni 2Tripleken Doll! Sino kaya ang maaaring tumulong sa ating bayani? Sino?" naguguluhan na sabi Ni Prinsesa Fey...

Ikapitong Bahagi

Inihagis ni Minmin ang bagong pangtaas na damit kay Dr. John D. Paul upang palitan ang nabasa niyang damit. Namulang muli ang pisngi ni Dr. John at ngumiti ng ngiting pa-cute (pero di naman cute) kay Minmin habang pilit na pinapalabas ang kanyang dimples. At dahil sa mabait sa Minmin sinagot naman ito ng matamis ring ngiti ng dalaga.

Ilang segundo din silang ganito na tila ba ang mundo ay tumigil sa pag-ikot at ang ilang segundong iyon ay tila ilang minuto na sa tingin ng narrator. Kaya’t magiging kontrabida ako at ipapaalala ko kay Minmin na meron pang kapeng lumalamig na at kelangan nilang inumin ulit.

“Oh, do you want another cup of coffee?” Tanong ni Minmin sa tulala paring si Dr. John Paul na tumango lamang bilang sagot.

Sinalinan ulit ni Minmin ang tasang kanina ay hawak ni Dr. John Paul ng kape mula sa coffeemaker at isinaayos ang kanyang mini skirt bago umupo. Napahiya ang doctor ng maaktuhan ni Minmin na tinititigan nito ang makinis na legs ng dalaga. Napaubo si Dr. John sa hiya at muli ay nabasa ng kape ang kanyang bagong palit na pang –itaas. (Para-paraan talaga ang doctor na ito kaya’t pilit na naghuhubad kahit wala namang abs.)

Pilyong ngiti ang isinagot ni Minmin at lumapit kay Dr. John. Hinila ng dalaga ang doktor palapit at itinaas ang basang damit nito upang hubarin.

Pinagkunan

Napalunok na lamang ang doktor habang naghihintay kung ano ang susunod na gagawin ng dalaga. Inilapit pa nito ang kanyang mukha sa pinagpapawisan ngunit asang-asa na doktor. Nagkatitigan sila, napapikit si Dr. John D. Paul at umaktong hahalikan ang mamula-mulang labi ni Minmin.

Samantala, sa Intergalactic Space HQ

Nakakunot ang noo ng bathalang si Paius habang pinagmamasdan ang mga nangyayari sa Earthia.

“Matiktikman mo ang parusa sa lahat ng gulong idinulot mo Dr. John D. Paul!” Kalakip ng tugon na ito ni Paius ay kidlat at kulog na nabatid din ng mga taga Earthia at umabot na rin hanggang sa Tagum.

Sa Earthia…

“Lumabas kayo jan mga taga-Earthia! Tinawag niyo ako mula sa mundo ko, hindi ba?! Narito ako upang sakupin kayo!” Nanlilisik ang mga matang tugon ni Evil Pepe. Nasa harapan siya ng Palasyo at ibig niyang wasakin ito kaya’t pinakawalan niya ang pinakamalakas niyang super fireball na yumanig sa buong palasyo at naging dahilan ng pagkaguho ng ilang bahagi nito.

Natigilan siya ng makita ang isang dalagang tumalsik mula sa pagsabog, sugatan at puno ng galos ang buong katawan.

Pinagkunan

“Ikaw…” nagtatakang wika ni Pepe sa pamilyar na babaeng nakaluhod sa kanyang harapan.

Nag-iba ang mukha ni Pepe at kahit ang boses ng biglang ang katauhan ni Pinunong Kron ang nangingibabaw sa kanya.

“Niluhuran ka lang ng babae Pepe, nanghina ka na?! Kay rupok mo naman?!” pilyong wika ni Kron.

“Kahit naman siguro ikaw Kron, manghihina lalo na at ganyan kagandang babae. Kahit nga camel, pinapatos mo!”Sambit ni DeShawn na d na pinatapos ni Kron.

“Aba’y huwag na wag mo akong hinahamon DeShawn lalo pa at natitikman ko pa hanggang ngayon ang lasa ng iyong “liit” dulot ng fusion!” Nasusukang sabi ni Kron.

“Anong maliit?! Tumahimik ka na lang at hayaan na nating matapos tung seryeng ito at sirang-sira na ang buong pagkatao ko.” Tanging na wika ni DeShawn.

Nag-aagaw na ang tatalong katauhan at kung tatanawin ay tila nawawala na sa katinuan ang binatang napapaligiran ng aurang green.

“Tumahimik kayo!” Galit na wika ni Pepe sabay inalalayan ang dalagang minsan na niyang tinulungan.

Batid ng mga taong nakapaligid na nahihirapan ang katawan ni Pepe sa tatlong nag-aagaw na katauhan dito.

Hinawakan ni Aytanna ang kamay ni Pepe at tila ba ay ibinabalik ang lakas niyang binigay sa dalaga nung unang araw niya sa Earthia. Kakaibang lakas muli ang naramdaman ni Pepe at ngayon ay kaya na niyang tumiwalag sa pagkakaisa nilang tatlong nina DeShawn at Kron.

Isang malaking pagsabog ang sumunod ng tuluyan ng makawala si Pepe kay 2tripleKen Doll.

Sa Tagum…

Hindi ininda ni Dr. John D. Paul ang kidlat at kulog na dulot ng galit ni Paius. Ang totoo ay ang tanging pokus lamang niya ay maangkin si Minmin at matikman niya ang mga labi nito kaya’t personal niyang ni-message ang narrator na sana sa pagkakataong ito ay mapagbigyan siya. Hahahaha!!!

Ngayon meron na siyang pagkakataong hagkan ang dalaga, minadali niyang idampi na ang kanyang labi sa naghihintay ng mga labi ni Minmin.

“Aba’y baka magbago pa ang isip niya, jackpot na ‘to!” Sa isip isip ng doktor.

Nung unang magdampi ang kanilang labi ay tila nalito siya dahil tila tigang na lupa ang dinampian ng kanyang labi. Ngunit patuloy pa rin niya itong hinalikan at inisip na lamang na baka katulad din niya si Minmin, na matagal ng hindi nadidiligan… ang mga labi.

“Kay sarap mo pa rin humalik mahal…”

Ng marinig niya ang boses ng babaeng kahalikan niya ay tumambulad sa kanya ang pamilyar na babae na naging bangungot ng kanyang nakaraan.

Pinagkunan

“MIZIZKO?!”

Gulat na wika ng doktor.

“Anong ginagawa mo dito?”

Si MIZIZKO ay ang kaunaunahang imbensyon ni Doktor John D. Paul na itinuring niyang katuwang sa buhay ngunit ibinaon niya sa limot. Ngayon lamang niya na batid na ang mukhang ginawa niyang modelo para kay MIZIZKO ay ang mukha ni Chodora SoAlone. Nasusuka siyang maalala ang halik na nangyari sa pagitan nilang dalawa ilang segundo na ang nakalipas.

Batid ang takot ni Dr. John D. Paul kay MIZIZKO sapagkat alam niyang mas malakas pa ito sa lahat ng EXKO. Maparaan lamang ang mga EXKO ngunit mas mabangis si MIZIZKO.

“Nasaan si Minmin? Anong ginawa mo sa kanya?!”

“Ang babaeng iyon ay may sumpa, maliban sa pag-ihi sa kama (basahin ang kanyang kwento dito) ay bawal rin siyang mahalikan ng kahit na sino man. Bwahahahahaha! Kaya’t heto ako para singilin ka sa lahat ng kasalanan mo! Panahon na ito ng pagbangon ko ng makabawi sa lahat ng kababuyang ginawa mo!”

Kinaladkad ni MIZIZKO si Dr. John D. Paul mula sa Tagum hanggang sa Earthia upang pagbayarin sa lahat.

Naabutan na lamang nilang lupaypay na si 2tripleKen Doll mula sa hadukid, kamehame wave at puki puki boom na kapangyarihan ni Pepe. Lalo na nung kantahan niya ito ng pangmalakasan niyang,

Pong chuwala
Chi chi ri kong koila
(Butse PEK) PEK-PEK-PEK
Bo bochichang
Chi chiri kong tong nang
(Butse PEK) PEK-PEK-PEK

Ang kantang ito ang tumapos ng career ko bilang manunulat, este ng labanan.

Napahandusay na lamang si 2tripleKen Doll malapit sa kinaroroonan ng mga beki ng Earthia.

“Besh, mga papa, patusin na natin at ilang dekada na rin tayong tigang,”

“Wag yang isa besh at isa yan sa mga nakaraan kong natatandaan kong maliit ang siling labuyo.”

“Ala eh, maliit man ang siling Batangueno pero nag-aalab sa anghang ito!” Galit na sabi ni @kendallron este ni Pinunong Kron.

At duon natikman nina DeShawn at Pinunong Krona ng parusang kailanman ay hindi nila hahangaring maranasan ulit.

Samantala, matikas na nilapitan ni Pepe habang kahawakang-kamay si Aytanna ang mga taga Earthia na ngayon ay nagdiriwang na sa tagumpay na kanyang hatid.

“Bayani, ako ay hindi nararapat sa ganitong turing. Isa lamang akong alipin.” Sabin ni Aytanna kay Pepe habang naiilang sa matamis na mga titig ni Pepe.

“Binibini, hindi mo ba natatandaang natanggal na ang kwentas sa iyong leeg nung araw na iniligtas kita? Iyon ang nagsisimbolo ng iyong pagiging alipin at nung araw na iyon ay malaya ka na. Isa pa, alipin ka man o prinsesa, ikaw at ikaw pa rin ang aking pipiliin.” Matamis na wika ni Pepe na sinundan ng matamis at mainit rin na halik.

Pinagkunan

At namuhay ang lahat sa Earthia ng masaya at mapaya.

Earthia panahong MDCCCXCIX Unang Bagong Buwan sa Kalendaryo ni Paius.

Pinagmamasdan ni Henry ang monument ng Bayani ng Earthia na si Pepe at buong ipinagmalaki sa mga kaibigan na, “Lolo ko yan!"


Si @jazzhero a.k.a Pepe, Bayani ng Earthia

The End.

Unang Pangkat:
@romeskie
@cheche016
@jampol
@tpkidkai
@oscargabat
@valerie15
@julie26

Ikalawang Pangkat:
@twotripleow
@beyonddisability
@jemzem
@kendallron
@rodylina
@jamesanity06
@chinitacharmer

Mga Elementong Ginamit:
Slavery
Rescue
Transformation

Tema:
Sci-Fi

Mga Karakter:
Bayani: Pepe ( talagang Pepe ang ginamit sa kwentong ito dahil may mga supresa pang susunod).

Villain:
DeShawn( Ang halimaw na gustong pagharian ang buong mundo)
2tripleKen Doll
Dr. John D. Paul

About the Author


If you want to know how Steemit influenced my life,
you may check my previous post here.

You can also check this post including this link for more Steemit tips.

I write fiction stories and poems too!
I would really appreciate it if you would check them out.

Also, please drop your comments and suggestions for my next post.
I would love to hear all your thoughts.

Let us make this interactive!



Oh, by the way, penny for my thoughts?

…because I am Jowable! Hahahahaa!.

Enjoy the rest of your day. Thank you for reading!

Sort:  

Hahahaha! Pasabog si MIZIZKO, buti at nakaladkad si Jampol este Dr. John D. Paul 🤣 Grabe ng rape scene! 😅 Salamat sa pagligtas sa pantas besh!

@kendallron, sabi na nga ba maliit ang siling labuyo sa Batanggas! 🤣🤣🤣 laftrip n nmn!

Nyahahahahaha!!!! Nahawa na tayo besh... pano ba tu??

Nagustuhan ko ang cameo ko dito bilang monumento. Salamat Val :D

Yung sayong part lang ang matinong nagawa ko dto jazz!! Nyahahaha RIP rep. Lol

Maganda ang pagkakagawa at comedi haha 🤣 Good job! Gusto ko talaga karakter ni Jampol dito 🤣 The best.

Siya ata kasi pasimuno ng lahat.😅

hooooooooooooi @valerie15 nyahaha! pukares na ulaga! hindi man lang ni-blurred ung pangalan at picture. nyahaha! wala na, mas sira na ang reputasyon ko hindi lang bilang manunulat, pati na rin bilang manunulot. nyahaha! pero ang galing ng ending. ang ganda ng pagkakagawa mo ng twist. pero ung sa doktor, naku naku ka! maling-mali! wrong move! tsk! 😠

Hahahaha nakalimutan kong magkakampi sana tayo.😂😅

Delikado talaga ang mga screen shot! Hahahah

Hahaha'... ayan walang Happy Ending pareng @johnpd! kaw kasi eh', hahaha'... Galing Sis @valerie15! nice one!

Hahahaha!!! Salamat sis!!

Maling mali na binasa ko to habang nasa jeep! Maling mali na pinagpatuloy ko pa ang pagbanasa habang naglalakad! NKKLK!!! Andami kong tawa. Hindi ko kinaya ang sumpa!!! At ang screencap ng message ni kuya jampol! Wahahahaha!! Mabuhay ang MIZIZKO!!! Wahahahaha

Hahahaha salamat sis!!! Nasa kay mizizko ang huling halakhak!!

akalain mo yun si boss @jazzhero pala si Pepe.
magaling magaling
nakakhumaling ang katapusan.
naku @johnpd... alam na ng misis mo ....este MIZIZKO

Hahaha salamat captain bd!!

Hahaha nak Fiction writers tayo alam ko eh. Di naman tayo for NSFW na tema.

Galing ng MIZIZKO nabigyang hustisya tapos si bespren @jazzhero umeksena din hahah.

Congratulations @valerie15! You have completed the following achievement on Steemit and have been rewarded with new badge(s) :

Award for the number of upvotes

Click on the badge to view your Board of Honor.
If you no longer want to receive notifications, reply to this comment with the word STOP

Do not miss the last post from @steemitboard:
SteemitBoard World Cup Contest - France vs Belgium


Participate in the SteemitBoard World Cup Contest!
Collect World Cup badges and win free SBD
Support the Gold Sponsors of the contest: @good-karma and @lukestokes


Do you like SteemitBoard's project? Then Vote for its witness and get one more award!

@valerie15 you were flagged by a worthless gang of trolls, so, I gave you an upvote to counteract it! Enjoy!!

Congratulations @valerie15! You have completed the following achievement on Steemit and have been rewarded with new badge(s) :

Award for the number of upvotes

Click on the badge to view your Board of Honor.
If you no longer want to receive notifications, reply to this comment with the word STOP

Do you like SteemitBoard's project? Then Vote for its witness and get one more award!

Coin Marketplace

STEEM 0.28
TRX 0.13
JST 0.032
BTC 61185.89
ETH 2933.50
USDT 1.00
SBD 3.68