Madayang Pag-ibig

PicsArt_05-22-11.34.54.jpg

Naranasan mo na bang magmahal ng taong hindi pa tapos magmahal ng iba?
MAHIRAP? Oo mahirap! Higit pa sa mahirap !... Dito mo kasi mararamdaman yung feeling ng binigay mo na ang lahat pero hindi pa rin sapat! Minu-minuto matatanung mo yung sarili mo ng ano bang kulang ? May mali ba ko? Bakit hindi nya ko magawang mahalin ng tapat?

Yung alam mung ginawa mo naman na ang lahat ; inintindi mo sya, inuna mo sya sa lahat , yung oras mo, panahon mo , atensyon mo nasa kanya ng lahat ! Ginawa mo syang mundo mo kahit alam mong hindi dapat!

MASAKIT? Oo masakit! Pero alam mo kung anong mas masakit? Yun yung sinabi nyang mahal ka din nya!
Masaya dapat diba? Oo sa una masaya! MASAYANG MASAYA!! Kasi ramdam mong importante ka at kailangan ka nyang talaga ! Yung tipong ung pagmamahal mo sa kanya mas yumabong pa kasi pinaramdam nya sayo'ng ikaw na talaga ! Ikaw na ikaw na yung lalakeng mahal nya ! Siguradong sigurado na sya!

Tapos bigla ...
Babalik sya ...
Babalik sya na dating mahal nya .

Sa isang iglap mababalewala ka. Yung masasayang alaala mapapalitan ng pagdududa, yung siguradong sigurado nya mapapalitan ng pagyuko at
pag-iling nya..
At iyon ' iyon yung MASAKIT! MASAKIT PA SA MASAKIT!!

Kasi umasa ka na!
Nangarap ka ng kasama sya!
pinaniwala ka nyang ikaw na !
... Pero hindi pa pala ! At sa huli mapagtatanto mong nagmamahal ka ng taong hindi pa tapos magmahal ng IBA.

Sort:  

Ayun ang masakit dun eh. Dapat talaga tapos na sa moving on stage ang mga napasok sa relasyon para ang ending di ka maging rebound o palipas oras huhuhu....

Hahaha ganyan talaga sila!

Hahaha ganyan talaga sila!

Hayaan mo sila
Hayaan mo sila 🎶
#paasa 😅

Eto yung tinatawag na, ang saklap lang :( Binigay mo na nga ang lahat pero hindi padin sinuklian ang pagmamahal mo. Binuhus mo na lahat pero sa isang iglap lang, bigla nalang mawawala kasi dun mapupunta sa iba.

Sinuklian naman. Sinuklian ng mga pangako. Pangakong napako! 😭 pangakong parang bula na biglang naglaho ! 😭

Ouch. Ang sakit nun ah. Sakit naman neto. Yan ang hirap sa mga pangako pangako eh. Ai sayang! Dapat sumali ka sa #hugotcontest ni @lhyn! Feeling ko malaki chance mo. Haha. Sumali din ako actually.lol Pero ang ganda ng hugot mo eh...tagus

Hehe thanks po.
Kapag malalim ang sugat ' malalim din ang hugut! Chaaar'! Hahahha

Ahahahhaaha. Yes I know :) Marami din akong ganyan eh.lol

Coin Marketplace

STEEM 0.27
TRX 0.13
JST 0.032
BTC 62726.22
ETH 2961.65
USDT 1.00
SBD 3.60