Clearance Sale ng Brokenhearted

in #love5 years ago

FB_IMG_1543147243243.jpg

Pano mo ba sisimulan ang relasyong matagal na dapat tapos? Yung dapat deads na kaso naghihingalo pa. Lumalaban pa. Humihingi ng life support, malapit ng ma-coma. Pano mo ba masasabing last na? Huli na talaga 'to sa lahat ng talagang huli na 'to. SImple lang, bigyan mo ng Clearance Sale...

Minsan maiisip mo na parang ayaw mo na talaga. Totoo na 'to. Na kung papipiliin ka hindi mo alam ang isasagot. HIndi ka na sigurado sa kanya. Ilang beses ka na niyang pinaiyak, pinagpalit sa iba at ipinagwalang bahala. Sinasabi mo sa sarili mo ngayon na last na 'to at sana totoo na.

Last na.

Parang yung last day ng clearance sale sa mall. Ibubuhos mo ang lahat - pera, pagod at buong lakas mo para lang makuha ang inaasam mong gamit.

Last na.

Parang yung clearance mo sa eskwelahan. Kailangan kumpleto ka sa requirements kapag magpapapirma kung hindi uulit ka na naman. Pag nakumpleto mo na ang lahat ng kailangan makakahinga ka na ng maluwag kasi pipirmahan na ng titser mo ang clearance mo para maka-move on ka na sa bakasyon.

Last na, last chance na para malaman ko kung ano nga ba talaga. Ang huling hirit sa isang relasyon ay parang clearance sale na kailangan mong magampanan ang pagiging mabuting nobya o kinakasama o asawa. Kailangan mong gawin kahit na gustong-gusto mo na siyang sampalin, suntukin o sipain. Pero kailangan mong magpigil.

Ngayon, baka nagtataka ka kung bakit mo kailangan magpigil gayong ilang beses ka ng sinaktan ng ogag na yan? Simple lang, para pag nagloko siya ulit wala siyang maibabato sayo. Hindi ka magiging dahilan para majustify ang pagloloko niya. Wag kang papatol, tatahimik ka para sa huli hindi ikaw mabaliktad at mukhang masama. Tandaan mo, ang taong loko-loko hahanap ng mapupula yan sa'yo na ipagkakalat niya sa mga tropa niya para masagip siya sa kahihiyan niya.

Sa ngayon, maging sweet ka ulit. Bumalik ka sa pagiging maalagang girlfriend, kinakasama o asawa. Maging mabuti ka sa kanya.

Ika nga nila, Kill them with kindness.



emdesan (1).png
received_1899007856785127.gif

Sort:  

Congratulations @emdesan! You have completed the following achievement on the Steem blockchain and have been rewarded with new badge(s) :

You made more than 34000 upvotes. Your next target is to reach 35000 upvotes.

Click here to view your Board of Honor
If you no longer want to receive notifications, reply to this comment with the word STOP

Support SteemitBoard's project! Vote for its witness and get one more award!

Congratulations @emdesan! You have completed the following achievement on the Steem blockchain and have been rewarded with new badge(s) :

You made more than 35000 upvotes. Your next target is to reach 36000 upvotes.

Click here to view your Board of Honor
If you no longer want to receive notifications, reply to this comment with the word STOP

Do not miss the last post from @steemitboard:

Saint Nicholas challenge for good boys and girls

Support SteemitBoard's project! Vote for its witness and get one more award!

Coin Marketplace

STEEM 0.30
TRX 0.12
JST 0.033
BTC 63955.40
ETH 3139.68
USDT 1.00
SBD 3.87